Umano’y relasyon nina Gerald Anderson at Gigi De Lana, pinasinungalingan ni Ogie Diaz
- Ogie Diaz, kumontra sa kumakalat na tsismis na ikinasal umano sina Gerald Anderson at Gigi De Lana
- Nadamay din sa isyu si Arci Muñoz na umano’y buntis o nanganak courtesy of Gerald Anderson
- Pinaalalahanan ni Ogie ang mga nagpapakalat ng fake news na maaari silang mawalan ng followers kapag nai-report
- Gerald Anderson, nasa relasyon pa rin kay Julia Barretto at mas bukas na ngayon sa ideya ng pag-aasawa
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Mainit na pinag-uusapan sa social media ang mga umuugong na tsismis tungkol sa umano’y palihim na kasal nina Gerald Anderson at Gigi De Lana, kasama pa ang isyung may tinatago silang anak. Hindi lang iyon—nadamay pa sa usapan si Arci Muñoz na umano’y buntis o nanganak dahil kay Gerald.

Source: Instagram
Sa pinakabagong episode ng Showbiz Updates, diretsahang binasag ni showbiz insider Ogie Diaz ang naturang isyu. “Lihim daw kinasal si Gerald kay Gigi De Lana. Mayro’n daw silang sikretong anak. Tinatago raw nila. May ganyan. At ang nakakaloka dito, lihim daw ‘yong pagbubuntis ni Arci Muñoz o nanganak si Arci Muñoz courtesy of Gerald Anderson,” ani Ogie.
Hindi napigilan ni Ogie ang maglabas ng matinding reaksyon: “Diyos ko, nakakaloka kayo! Talagang pinipilit n’yo talaga ‘yan. Naku, ‘pag kayo na-report talaga, promise. ‘Yang pinaghirapan n’yong number of followers, mawawala ‘yan.”
Walang ebidensya ang mga paratang na ito. Sa katunayan, matatag pa rin ang relasyon ni Gerald sa aktres na si Julia Barretto. Sa isang panayam, ibinahagi ng aktor na mas bukas na siya ngayon sa ideya ng pag-aasawa. “I’m closer to that. Kasi kung 5, 3 years ago, tanungin n’yo sa ’kin ’yan, ‘Hindi, hindi.’ But syempre, that’s why I’m doing all of this kasi gusto ko maalagaan ’yong mga anak ko na wala silang iisipin,” pahayag ni Gerald.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang nagkasama sina Gerald at Gigi sa ABS-CBN series na Dear Heart noong kasagsagan ng pandemya. Samantala, sina Gerald at Arci ay nagtambal sa mga pelikulang Always Be My Maybe at Can We Still Be Friends. Sa kabila ng mga bulung-bulungan ng hiwalayan nila ni Julia, mismong si Gerald ang nagpatunay sa Toni Talks noong Hunyo na sila pa rin.
Si Gerald Anderson ay isang Filipino-American actor na sumikat matapos sumali sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Kilala siya sa kanyang versatility sa TV at pelikula, at ilang beses nang nagwagi ng acting awards. Si Gigi De Lana ay isang singer-actress na unang nakilala sa Tawag ng Tanghalan at sa kanyang viral online performances. Si Arci Muñoz naman ay isang aktres at dating vocalist ng banda na Philia, na kilala sa mga rom-com at drama roles.
Aminado si Gerald na may mga pagkakataon sa kanilang relasyon na kailangan niyang bumawi. Aniya, mahalagang maipakita sa partner ang pagpapahalaga at pagmamahal. Para sa aktor, ang relasyon ay kailangang alagaan at gawing matatag sa kabila ng mga pagsubok.
Nag-guest ang magkasintahan sa Eat Bulaga kung saan pinakilig nila ang audience sa kanilang chemistry at natural na lambingan. Maraming fans ang natuwa at nagpasalamat sa couple dahil sa kanilang lively presence sa show. Patunay lamang ito ng matatag nilang relasyon sa kabila ng mga isyu.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh