Aira Lopez, biniro si Mark Leviste sa 'first year' post niya: "Wag mo ko saktan please"
- Si Aira Lopez ay nagpaabot ng matamis na pagbati para kay Mark Leviste
- Sa Instagram, nag-post si Aira ng new photos nila ni Mark, na kinakiligan ng ilan
- Aniya Aira, "One year later, we’re back at the same table where it all began"
- Ibinahagi naman nito ang nakakatuwang backstory sa pagbalik nila sa Ruth's Chris
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Aira Lopez, isang athlete at content creator, ay nagpaabot ng matamis na pagbati sa kanyang partner na si Mark Leviste sa kanilang "first year" bilang magkasintahan. Noong Wednesday, August 6, nag-post si Aira sa Instagram ng mga larawan nilang dalawa na kuha kamakailan.
Ngunit ang lalo pang tumatak sa puso ng marami niyang fans ay ang kanyang maikling kwento tungkol sa kanilang relasyon: "One year later, we’re back at the same table where it all began."

Source: Instagram
Ayon kay Aira, sa Ruth's Chris naganap ang kanilang unang date, kaya naman doble ang tuwa niya nang isang taon matapos iyon ay nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa naturang restaurant para gumawa ng promotional video, bagay na nagpakilig sa maraming netizens.

Read also
Viral 'chair mishap' ni Paul Salas, ni-re-enact nina Max Collins at Bela Padilla kasama ang aktor
Aniya Aira online, "Story time: VG and I had our first date here at Ruth’s Chris. Fast forward to now, a year later, nakakatuwa lang na I received an email from them inviting me to do a promotional video, and VG was even requested to join me for the shoot!" Dagdag pa nga niya, "They had no idea this place is very special to us, and now, on our return, endorsers na! Haha naks naman."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa pagtatapos ng post, pabirong sinabi ni Aira kay Mark na huwag niya siyang sasaktan dahil magaling itong magpasaya sa kanya: "Happy first year, @markleviste! Thank you for making me the happiest! Wag mo ko saktan please. Love you." Agad namang nagbigay ng tugon si Mark sa comments section, at sinabi pa nga, "Happy 1st to us! It’s really the other way around, love… you make me so happy. Being together is our own little happy space and place. Thank you for loving me the way you do. I pray and promise every day to be the best person for you. I love you too!"

Read also
Bela Padilla, nagsalita tungkol sa breakup nila ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay
Ang kanilang palitan ng na mensahe ay umani ng kilig at paghanga mula sa mga netizens.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay bumwelta si Aira Lopez sa isang netizen na nagsabing mukha silang mag-ama ni Batangas Vice Governor Mark Leviste. Matapang niyang sinagot ang komento at sinabing hindi pa niya nakikita ang netizen ngunit mukha na itong uod. Nanindigan si Lopez na hindi hadlang ang kanilang 20-taong agwat na edad sa relasyon nila.
Samantalang noong March ay nagsalita na sa wakas si Mark Leviste kaugnay sa pagbisita ng anak niyang si Ronin kay Kris Aquino. Sinabi ni Mark na hindi siya nakikialam sa mga desisyon ng kanyang mga anak kung sino ang nais nilang bisitahin. Masaya si Mark na nananatili ang mabuting relasyon ni Ronin kay Kris kahit tapos na ang kanilang relasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh