Viral 'chair mishap' ni Paul Salas, ni-re-enact nina Max Collins at Bela Padilla kasama ang aktor
- Si Max Collins ay umani ng atensyon online dahil sa kanyang panibagong post
- Sa Instagram, nag-post ulit si Max ng bagong video na may kakaibang theme
- Featured lang naman sa video na ito sina Paul Salas at pati na rin si Bela Padilla
- Ngunit ang 'reference' na ginamit ni Max sa video ay talagang kinagiliwan ng marami
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Max Collins, isang Kapuso actress, ay muling umani ng atensyon online matapos niyang i-reenact ang nakakatawang viral video ni Paul Salas kasama mismo ang aktor at si Bela Padilla.

Source: Instagram
Noong Saturday, August 9, ibinahagi ni Max sa Instagram ang isang video kung saan tila naglalaro sila ng Musical Chairs o Trip to Jerusalem. Sa video, nang tumigil ang musika at handa na silang umupo, biglang hinila ni Paul ang upuan — gaya ng nangyari sa kanyang viral "chair mishap" kasama ang isang fan sa isa sa kanyang live performances nitong taon lamang.
Sa caption, nagpasalamat si Max kina Paul at Bela sa pagiging 'game' sa paggawa ng video niya: "Always mabango sa @itsshowtimena. Thank you beautiful @bela and pogi @paulandre.salas for playing Trip to Jerusalem with me." Nag-iwan din naman si Bela ng nakakaaliw at nakakatawang komento sa post, na nagsasabing, "Max, this is so unhinged, I love it so much."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Agad namang sumali sa saya ang mga netizens, na nagpahayag ng kanilang tuwa at halakhak sa comment section. Isa sa kanila ang nagsabi, "Ang galing ng concept, uy, tawang tawa ako," habang ang isa naman ay nagkomento, "HAHAHAHA OMG Nag-loading ako slight dun sa chair reference pero tawang tawa ako after, grabeeee." Muli na namang pinatunayan ni Max na may kakaiba at nakakaaliw siyang sense of humor na patok sa kanyang mga tagasubaybay.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Max Collins ay isang kilalang aktres under GMA Network. Natuklasan siya ng isang talent scout nang aksidenteng makapasok sa isang photo shoot habang naglalakad sa mall, at mula noon ay nagsimulang maging bahagi ng local showbiz. Mula sa Star Magic, lumipat siya sa GMA noong 2011 at lumabas na nga sa iba't ibang mga serye. Ilan sa kanyang mga tampok na proyekto bilang Kapuso ay ang Someone to Watch Over Me, The One That Got Away, at To Have and to Hold.

Read also
Netizens, napaisip kung pano napapayag ni Alex Gonzaga ang kanyang pamilya sa 'Barbie' trend
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagsama sina Max Collins at Pancho Magno upang dumalo sa moving-up ceremony ng kanilang anak na si Skye sa Smallville Montessori. Nag-post si Max ng mga larawan at video mula sa event at nilagyan ito ng caption na "it was our baby's moving up day." Nag-iwan naman ng heart emojis si Pancho sa post ni Max sa Instagram.
Samantalang noong November 2024, tuluyan nang nagsalita si Max Collins tungkol sa tunay na estado ng kanyang marriage. Kinumpirma niyang sila ay legal nang hiwalay ng dati niyang asawang si Pancho Magno. Matatandaang si Max ay isang mamamayan ng United States at may kakayahang magsampa ng diborsyo. Aniya pa ni Max, isang buwan na nga ang nakalipas pati.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh