Video nina Bianca Umali at Ruru Madrid nang dumating ang huli, viral online
- Si Bianca Umali at Ruru Madrid ay muling naging usap-usapan sa social media
- Kamakailan ay kumalat kasi ang video ng dalawa kung saan iniintay ni Bianca si Ruru
- Pagkadating ni Ruru ay agad nitong pinuntahan si Bianca para i-kiss siya sa pisngi niya
- Ngunit ang naging reaksyon ni Bianca rito ay kinagiliwan talaga ng maraming fans
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Bianca Umali at ang kanyang nobyo na si Ruru Madrid ay muling naging usap-usapan sa social media matapos mag-viral ang isang video ng kanilang nakakaaliw na interaction. Ang naturang video ay kumalat pa nga sa iba't ibang plataporma gaya ng Facebook at TikTok, kung saan makikita si Bianca na nakatayo sa kalsada habang hinihintay ang pagdating ng Kapuso actor.

Source: Instagram
Pagdating ng aktor, agad siyang lumapit kay Bianca at sinubukang i-kiss ito sa pisngi, ngunit ang naging reaksyon ng aktres ay ikinatawa at ikinaintriga ng marami. Marami ang nakakita ng eksena bilang isang cute na sandali sa pagitan ng dalawa na aniya ng iba ay "relatable" daw.

Read also
Netizens, napaisip kung pano napapayag ni Alex Gonzaga ang kanyang pamilya sa 'Barbie' trend
"Ruru alyas 'Nanunuyo' Madrid, charot."
"Very universal talaga ang mga babae hehe."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Grabe, kitang-kita ko sarili ko kay Bianca dito."
"HAHAHAHA Tawang tawa talaga ako dito kasi relate!"
"Nako, Biancs, why naman ni-reveal ang trip ng mga babae haha."
Hindi ito ang unang pagkakataon na naging laman ng balita ang Kapuso couple.
Noong July lamang ay gumawa rin ng ingay sa online community si Ruru matapos mag-post ng isang matamis na tula para kay Bianca bilang pagdiriwang ng kanilang anniversary sa Instagram. Sa post, ibinahagi ni Ruru ang kanyang taos-pusong mensahe para sa nobya: "Hindi perpekto, pero totoo. Hindi man laging tugma, pero palagi nating pinipili ang tama. Tayo pa rin."
Patunay lamang ito na bukod sa kanilang pagiging mga artista, patuloy nilang napapasaya at naeengganyo ang kanilang mga tagahanga sa kanilang natural at sweet na moments.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Bianca Umali ay isang kilalang aktres, singer, at TV host mula sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera bilang baby model. Sa kanyang paglago bilang artista, hinasa niya ang kanyang kakayahan sa iba't ibang genre — at sa kalaunan ay naging parte ng telefantasya serye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan ginagammpanan niya ang karakter na si Terra. Bilang isang Kapuso artist, si Bianca ay isang versatile na actress na labis na hinahangaan.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong May ay emosyonal na nakipag-usap si Bianca Umali kay 'Kuya' tungkol sa kanyang ina. Ayon sa aktres, ang kanyang paglahok sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ay isang taos-pusong pag-aalay para sa kanyang yumaong ina, si May Soler Umali, na isang tapat na tagahanga ng nasabing reality show na programa ng ABS-CBN.
Samantalang noong April ay ibinahagi ni Bianca Umali ang mga larawan at video mula sa kanyang retreat. Makikita sa ilan sa mga larawan ang kanyang nobyong si Ruru Madrid na nagbibigay ng suporta. Nagmuni-muni ang Kapuso star sa kasalukuyang yugto ng kanyang buhay na nakatuon sa pagbibitaw, pagiging totoo, personal na pag-unlad, at pagmamahal sa sarili.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh