Matet de Leon, umamin sa bigat ng pinagdaanan matapos mabash habang nagla-live selling
- Inamin ni Matet de Leon sa panayam ni Chinkee Tan na na-trigger siya sa isang Tiktok live selling session nang madamay ang inang si Nora Aunor sa pamba-bash
- Ayon sa aktres, handa siyang tanggapin ang anumang batikos laban sa kanya pero nanawagan siyang huwag idamay ang kanyang ina
- Pinuri ni Chinkee Tan si Matet sa pagiging ma-diskarte at walang hiya-hiya sa pagbebenta, na aniya ay nakaka-inspire sa maraming tao
- Ibinahagi rin ni Matet ang hirap na pinagdaanan noong mawalan siya ng proyekto at mag-ipon na lang sa oras na magkaroon muli ng trabaho
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Matet de Leon kay Chinkee Tan sa YouTube, ibinahagi ng aktres ang masakit na karanasang naranasan niya habang nagla-live selling sa TikTok noong nakaraang buwan. Kuwento niya, nagsimula lang ang session bilang regular na pagbebenta ng mga produkto para sa isang brand nang may magkomento ng, “wala ka ng project,” na sinundan pa ng mas mabigat na pangungutya — “suplada ‘yan kaya iniwan ni Ate Guy.”

Source: Youtube
“Doon ako sumagot, ‘oo nga, siguro nga’ so tinamaan ako ro’n pag tungkol na sa nanay ko iba na ‘yun! Tirahin ninyo ako kung ano ang gusto ninyong sabihin okay lang ‘yun pero ‘wag tungkol sa nanay ko kasi respetuhin n’yo naman,” giit ni Matet. Paliwanag niya, bayad ng brand ang oras na iyon at nakatutok siya sa pagbebenta, ngunit nakunan siya sa screen record habang sumasagot.
Para kay Chinkee Tan, maliwanag na tama ang ginagawa ni Matet at wala itong dapat patunayan sa mga taong walang ambag sa kanyang buhay. “Wag mong hayaan na nakawin ang ingay ng ganda ng ginagawa mo,” pahayag ni Chinkee na nagsabi ring na-trigger siya sa isyu dahil dumaan din siya sa panahon ng kawalan at natutong maging maabilidad sa pagbebenta kahit noong aktibo pa siya sa showbiz.
Naging magaan ang usapan nang magkuwento si Chinkee na noong 80s at 90s, nagbebenta siya ng dishwashing liquid sa mga artista at crew, at kahit pa may nagsabing “Hindi ka ba nahihiya?” ay pinanindigan niya ito dahil nakakatulong at praktikal. Sumang-ayon si Matet, sabay biro kung kumikita pa kaya ang artistang iyon ngayon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa parehong panayam, ibinahagi rin ni Matet ang matinding hirap na pinagdaanan noong 2011 nang mawalan siya ng trabaho at naubos ang ipon. Dumating sa puntong oatmeal na lang ang makakain ng kanyang mga anak. “Pag walang kumukuha sa ’yo, wala kaming trabaho, wala kaming negosyo, yari ka,” aniya. Kaya kung bibigyan muli ng proyekto, balak niyang mag-ipon nang husto upang hindi na maulit ang sitwasyon.
Si Matet de Leon ay isang kilalang aktres na nagsimula bilang child star at anak ng tinaguriang Superstar na si Nora Aunor. Sa kabila ng kanyang karera sa showbiz, hindi lingid sa publiko ang kanyang pagiging prangka at masayahing personalidad. Kamakailan ay naging aktibo rin siya sa online selling, isang paraan para kumita sa gitna ng kakulangan ng proyekto sa telebisyon at pelikula.
Nag-react si Matet de Leon sa mga kumakalat na TikTok videos tungkol sa kanyang ina, si Nora Aunor. Aniya, marami na siyang nai-save na content at natatawa siya sa iba, ngunit aminado rin siyang may ilan na medyo masakit para sa kanya bilang anak. Gayunman, pinipili niyang huwag magpadala sa lahat ng komento online.

Read also
Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres
Kamakailan ay ibinahagi ni Matet ang mga karanasan niya sa live selling, kabilang na ang mga bashers na tila hinihintay siyang umiyak sa harap ng camera. Ayon sa aktres, nakakatawa ngunit nakakaasar din ang ganitong mga pahayag. Sa kabila nito, patuloy pa rin siya sa pagbebenta at sa pagtupad sa kanyang mga obligasyon sa brand na kanyang kinakatawan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh