Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres

Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres

  • Naglabas ng saloobin si Cathy Babao laban sa netizen na nag-post ng larawan ng ina niyang si Caridad Sanchez
  • Tinuligsa niya ang panghuhusga sa kalagayan ng aktres at ipinaliwanag ang tungkol sa Alzheimer’s
  • Ibinahagi niya ang kahalagahan ng pag-aaruga, musika, at pamilyaridad sa mga may ganitong kondisyon
  • Pinaalalahanan niya ang lahat na dapat ay may malasakit at pag-unawa sa pagtanda at karamdaman ng iba

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi pinalampas ni Cathy Babao, anak ng batikang aktres na si Caridad Sanchez, ang isang viral post mula sa isang netizen na tila nagbigay ng hindi sensitibong puna sa itsura ng kanyang ina. Ayon sa nasabing post, “Ito na pala siya ngayon... Bukod sa pagkakaroon ng katandaan niya, eh mukhang mayroon din siya na sakit na dinadaramdam ngayon.”

Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres
Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres (📷@cathybabao/IG)
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng serye ng pahayag, tahasang tinawag ni Cathy ang komento bilang “highly disrespectful” at iginiit na mas makabubuting magsaliksik muna bago maglabas ng haka-haka. “Rather than speculate, which is highly disrespectful, it’s better to do your research,” ani Cathy, sabay paalala na likas sa pagtanda ang posibilidad ng dementia o Alzheimer’s.

Read also

Kim Rodriguez, nanatiling tikom ang bibig sa isyung may karelasyong politiko

Ipinaliwanag ni Cathy ang masalimuot na kalagayan ng mga taong may Alzheimer’s—isang degenerative condition na unti-unting binabago ang kakayahan ng utak sa pag-alala, pag-iisip, at simpleng paggalaw. Ayon sa kanya, “Wala pa itong lunas… Pero maaari itong alagaan at mapagaan.” Sa kanyang mensahe, iginiit niya na may mga paraan pa rin para makaranas ng tuwa at koneksyon ang mga may ganitong kondisyon—mula sa pagkakaroon ng routine, tulong ng musika, hanggang sa presensya ng pamilyar na mukha at espasyo.

Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres
Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres (📷Instagram/Threads: cathybabao)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa puso ng kanyang mensahe ay ang kahalagahan ng malasakit. “Kaya kahit hindi natin ito kayang pagalingin, kaya nating samahan ang mahal natin sa bawat hakbang. Isang araw, isang alaala, isang kuwento sa bawat pagkakataon,” sabi pa niya.

Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres
Anak ni Caridad Sanchez, nanindigan laban sa online post tungkol sa kalusugan ng beteranang aktres (📷Threads: cathybabao)
Source: Instagram

Si Cathy Babao ay isang kilalang grief educator at advocate, bukod sa pagiging anak ng premyadong aktres na si Caridad Sanchez. Matagal na siyang nagsusulong ng awareness tungkol sa mental health, aging, at iba pang sensitibong usapin sa lipunan. Ang kanyang ina, si Caridad Sanchez, ay isa sa mga pinakarehistrado at minamahal na aktres sa bansa, kilala sa mga papel sa drama at sitcom mula dekada '70 hanggang 2000s.

Read also

Bea Borres, may pa-belly flex sa gitna ng isyung buntis siya

Noong 2020, inilabas ni Cathy Babao ang kanyang saloobin ukol sa pahayag ng kanyang kapatid na nagsabing wala umanong Alzheimer’s ang kanilang ina. Sa isang mahinahong post, nilinaw ni Cathy na may medical diagnosis si Caridad Sanchez, at aniya, hindi niya layong siraan ang kapatid kundi ituwid ang impormasyon. Ang layunin lamang daw niya ay ipaalam sa publiko ang totoo upang mabigyan ng tamang pag-unawa at suporta ang kalagayan ng ina.

Sa isang viral na post, ibinahagi ni Cathy Babao ang isa sa kanilang di malilimutang pag-uusap ng inang si Caridad Sanchez na may Alzheimer’s. Sa gitna ng kondisyon ng aktres, ipinakita ni Cathy kung gaano kahalaga ang mga munting sandali ng koneksyon at pagmamahalan. Umani ng papuri at suporta mula sa netizens ang kanyang mensahe na nagbigay-inspirasyon sa maraming may kapamilyang may parehong kondisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: