Anak ni Ai-Ai Delas Alas, nag-react sa pasabog na red carpet walk niya sa GMA Gala
- Ang anak ni Ai-Ai Delas Alas na si Sancho ay nag-react na sa kanyang grand entrance
- Kamakailan ay naging laman ng balita si Ai-Ai dahil sa kanyang red carpet walk
- Um-attend kasi si Ai-Ai ng prestigious na GMA Gala 2025 na ginanap sa Pasay City
- Dito ay marami ang talagang nagulat sa buong look at peg ni Ai-Ai para sa gabing iyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Ai-Ai Delas Alas, ang kilalang Comedy Queen ng Pilipinas, ay muling naging usap-usapan online matapos ang kanyang pasabog na pagdating sa GMA Gala 2025 na ginanap sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City. Isang engrandeng gabi para sa mga Kapuso artists ang nasabing event, ngunit isa si Ai-Ai sa naging sentro ng atensyon sa red carpet dahil sa kanyang look.

Source: Instagram
Suot niya ang isang napakalaking itim na cape na may mahabang trail pa nga, tinakpan nito ang buo niyang katawan — mula ulo hanggang paa. Ngunit nang makarating siya sa dulo ng red carpet, ikinagulat at ikinatuwa ng marami nang alisin niya ang cape, at lumitaw ang kanyang stunning na black-and-silver ensemble na talaga namang pangmalakasan para sa event.
Hindi rin nagpahuli ang kanyang anak na si Sancho Vito sa pagiging game sa flair ng kanyang ina for fashion. Sa kanyang Instagram, nirepost ni Vito ang isang video mula sa WhenInManila na nagpapakita ng dramatic entrance ng kanyang ina. May caption pa siyang pabirong sinabi: "Yung nanay mong ayaw magpaawat, @msaiaidelasalas. #ComedyConcertQueen."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Marami ang natawa at natuwa sa banat ni Vito, na muling nagpakita ng closeness nilang mag-ina. Hindi ito ang unang pagkakataon na naging viral ang dalawa; noong nakaraan, naging usap-usapan din ang bonding moment nila sa Divisoria, kung saan sinamahan ni Vito si Ai-Ai mamili.
Sa bawat public appearance at social media banat, hindi lang talento ni Ai-Ai ang kinagigiliwan, kundi pati ang pagiging totoo at nakakatawang ugnayan nila ng kanyang anak. Isa na namang patunay na kahit sa mundo ng glamor at spotlight, walang tatalo sa kulitan ng mag-ina.

Source: Instagram
Si Ai‑Ai delas Alas ay isang aktres, komedyante, mang-aawit, at personalidad sa telebisyon na tinaguriang 'Queen of Comedy.' Nakilala siya lalo na sa iconic niyang papel bilang Ina Montecillo sa pelikulang Ang Tanging Ina, na naging isa sa pinaka-iconic na comedy franchises sa Pilipinas. Sa telebisyon, hindi rin nagpahuli si Ai-Ai sa kanyang talento bilang host at aktres. Nakilala rin siya sa mga drama-series tulad ng Raising Mamay at blockbuster films gaya ng Volta, Ang Cute Ng Ina Mo, at Pasukob. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Gerald Sibayan noong 2017. Ngunit, noong November 2024, kinumpirma na ng 'Queen of Comedy' ang kanilang hiwalayan.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay na-miss kamakailan lang ni Ai-Ai Delas Alas ang United States. Sa Instagram, ibinahagi kasi ni Ai-Ai ang nangyari sa kanya. Aniya Ai-Ai, dinala kasi niya si Sailor sa isang establishment. Ngunit hindi niya napansin na bawal pala ang mga furbabies dito kaya sila ay pinalabas ng staff matapos niyang mag-order.
Samantalang ay nag-post si Ai-Ai Delas Alas ng taos-pusong parangal sa Instagram kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis. Inilarawan niya ang Santo Papa bilang isang ilaw ng pananampalataya at kinilala ang kanyang pamana. Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 sa Vatican matapos ang unti-unting paghina ng kalusugan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh