Palitan nina Sofia Andres at Alex Gonzaga ukol sa binili ng huli, kinaaliwan: "Birthday ko"

Palitan nina Sofia Andres at Alex Gonzaga ukol sa binili ng huli, kinaaliwan: "Birthday ko"

  • Si Alex Gonzaga ay muling nag-viral dahil sa kanyang panibagong video online
  • Sa post, makikitang ina-unbox ni Alex ang newly-purchased bag niya mula sa Miu Miu
  • Biro pa nga ng aktres, kailangan na raw magamit ang bag para "ma-ROI na agad agad"
  • Ngunit ang nagpa-viral pa lalo sa video na ito ay ang reaksyon ni Sofia Andres dito

Si Alex Gonzaga, isang kilalang Filipina actress at content creator, ay muling naging usap-usapan online matapos mapansin ng mga netizens ang nakakatawang interaction nila ni Sofia Andres sa Instagram. Nag-viral kasi ang isang video na ipinost ni Alex kung saan makikita siyang nagu-unbox ng bagong bag mula sa Italian luxury brand na Miu Miu, isang subsidiary ng Prada.

Palitan nina Sofia Andres at Alex Gonzaga ukol sa binili ng huli, kinaaliwan: "Birthday ko"
Photos: @cathygonzaga, @iamsofiaandres on Instagram
Source: Instagram

Sa naturang video, makikitang inililipat ni Alex ang laman ng kanyang Birkin bag papunta sa bagong Miu Miu bag habang sinasabing, "Help me prepare my new bag so I can use it." Sa kanyang caption, pabirong sinabi ni Alex ang dahilan kung bakit gusto niyang maihanda agad ang bag mula sa Italian luxury brand: "Unbox with me para ma-ROI na agad agad! Di pwedeng hindi."

Read also

Cryptic post ni Janella Salvador ukol sa "right time" online, naging usap-usapan

Ngunit ang tunay na highlight ng post ay ang mga komento ni Sofia na ikinatuwa ng maraming netizens. Isa sa mga sinabi ni Sofia ay, "Pakaganda mag-unbox, kaynamana!" na sinundan pa ng, "Thought you got the black one!" Ang pinaka nakakatawang komento pa nga ay nang pabirong hilingin ni Sofia na ibigay na lang sa kanya ang lumang Birkin bag ni Alex: "Okay... please send the Hermes na, ate, to my place, birthday ko." Agad din naman itong napansin ni Alex na sumagot at nagbiro rin kay Sofia sa comment section niya sa app, "Hindi pa na-ROI, need pa 20 years."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang kanilang kulitan ay agad na umani ng reactions mula sa netizens, na natuwa sa pagiging totoo at nakakatawang dynamic ng dalawa. Muli na namang pinatunayan ni Alex Gonzaga ang kanyang natural na kakayahan sa pagpapasaya — kahit pa sa simpleng unboxing video.

Read also

Reaksyon ni Daniel Padilla sa 'pagod na ako' trend, kinaaliwan ng marami

Panoorin ang video sa ibaba:

Palitan nina Sofia Andres at Alex Gonzaga ukol sa binili ng huli, kinaaliwan: "Birthday ko"
Screenshot mula sa Instagram ni @cathygonzaga
Source: Instagram

Si Alex Gonzaga, na ipinanganak bilang Catherine Mae Cruz Gonzaga, ay isang sikat na Filipina actress, TV host, vlogger, at singer. Bukod sa kanyang trabaho sa showbiz, isa rin si Alex sa mga top YouTubers sa Pilipinas. Kadalasang tampok sa mga video niya ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at ang kanyang asawa na si Mikee Morada.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Alex Gonzaga dahil sa kanyang reaksyon kay Zeinab Harake. Kamakailan lang ay nag-post kasi si Zeinab ng naggagandahang beach photos niya. Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga fans. Ngunit ang comment ni Alex ang nagpatawa sa marami.

Samantalang nag-viral si Alex Gonzaga dahil sa kanyang nakakaaliw na reaksyon. Kamakailan ay nag-viral kasi ang video ng isang agent na tila 'lookalike' niya. Dahil dito ay agad na napa-comment si Alex at may hirit pa nga sa ahente na ito. Bumuhos tuloy ang mga nakakaaliw na comment at jokes mula sa mga netizens sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco