Cryptic post ni Janella Salvador ukol sa "right time" online, naging usap-usapan
- Naging usap-usapan kamakailan lang ang aktres na si Janella Salvador
- Sa X, nag-post kasi ang Kapamilya star ng cryptic message ukol sa "right time"
- Dahil dito, marami sa kanyang mga fans ang talaga namang napa-isip sa post
- Aniya ng marami, may kinalaman daw ba ito sa bagong proyekto ni Janella
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nag-udyok ng samu't saring reaksiyon online si Janella Salvador, kilalang Kapamilya star, matapos siyang mag-post ng isang makahulugang mensahe sa kanyang opisyal na account sa X nitong Saturday, August 2. Sa naturang post, nagbigay si Janella ng maikling mensahe na tila may pinapahiwatig, dahilan upang ma-curious at magtanong ang kanyang mga tagahanga.

Source: Instagram
"You will hear from me. Right place, right time," ani ng actress-singer sa kanyang online post. Dahil dito, maraming netizens ang agad nagkomento, nagtatanong at nagbigay ng kani-kanilang interpretasyon sa kanyang mensahe. Ilan sa mga naging reaksyon sa kanyang thread sa X ay:
"Related ba ito dun sa new movie niya? Curious!"

Read also
Celebrities, nakiramay kay Rufa Mae Quinto sa bagong post nito tungkol kay Trevor Magallanes
"OMG What's the tea? Hala, ako yun kinabahan eh."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Nako po, ayan na si Valentina, ginagalit niyo kasi, ayan tuloy."
"I love you no matter what, Ate Jea. Andito lang kami para sayo."
"No matter what happens, we are always here for you Ate Janella."
Hindi ito ang unang pagkakataon na naging usap-usapan si Janella dahil sa kanyang mga cryptic na post online. Noong 2023, naging viral din siya matapos maglabas ng makahulugang tweet kasunod ng di niya pagka-feature sa catalogue ng Star Magic 30. Sa tweet niya noon, simpleng sinabi ni Janella: "Ah, K. Noted," kasunod ang isang star at magic wand na emoji, na agad namang inugnay ng marami niyang fans sa sitwasyon niya sa showbiz o sa kanyang home network.
Bagama't hindi pa malinaw kung ano ang tinutukoy sa kanyang pinakabagong tweet, patuloy ang suporta at pagmamahal ng kanyang fans sa kanya. Sa kabila ng mga espekulasyon, maraming umaasa na may bagong proyekto o anunsyong hatid si Janella sa tamang oras at panahon.
Si Janella Salvador ay isang Filipina actress at singer. Anak siya nina Jenine Desiderio, isang musical actress sa West End, at Juan Miguel Salvador, dating frontman ng bandang Rage—na nagbigay ng matibay na pundasyon sa kanyang talento sa pelikula at musika. Pumasok siya sa showbiz at nakilala sa kanyang role sa teleseryeng Be Careful with My Heart noong 2012. Mula noon ay nagkaroon na siya ng mga lead roles sa mga seryeng tulad ng Oh My G!, Born for You, The Killer Bride, at bilang iconic na villain na si Valentina sa Darna. Bukod pa rito ay kinilala rin siya bilang isa sa Top 10 Southeast Asian Best Actress na kinilala sa Malaysia noong December 2024.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong December 2024, ibinahagi nina Janella Salvador at Elisse Joson ang kanilang saloobin tungkol sa pagiging mommies nila. Ang dalawang celebrity moms ay naimbitahan kasi ng Modern Parenting para sa isang 'Couch Talk.' Sa kalagitnaan ng panayam, tinanong ni Elisse si Janella tungkol sa kanyang opinyon sa pag-aasawa.
Samantalang noong April 2024, humingi ng paumanhin si Janella Salvador dahil sa pag-postpone ng kanyang 10th Anniversary Concert. Matapos lumabas ang balita, nagsulat si Janella ng isang taos-pusong mensahe sa kanyang opisyal na account sa X. Sa post niya, humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga tagahanga dahil sa pagkakaantala ng anniversary concert.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh