Bettinna Carlos, naging emosyonal sa request ni Gummy: "Anak, ito ang bumuhay sa atin"
- Si Bettinna Carlos ay naging emosyonal dahil sa request ng kanyang panganay na si Gummy
- Kamakailan ay nag-crave kasi ito ng dating bine-bake niya na pagkain na 'Nutella Rocks'
- Aniya Bettinna, ang huling beses silang nakakain nito ay noong December 2020 pa nga
- Dahil dito ay napa-reflect at napa-look back ang dating aktres sa kanilang journey noon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Bettinna Carlos, dating aktres at ngayon ay hands-on na mommy, ay naging emosyonal matapos pagbigyan ang hiling ng kanyang anak na si Amanda Lucia, o mas kilala bilang Gummy.
Sa isang Instagram post nitong Thursday, July 31, ibinahagi ni Bettinna ang ilang larawan ng kanyang mga anak habang tumutulong sa kanya sa paggawa ng iconic nilang 'Nutella Rocks' — isang baked treat na naging bahagi ng kanilang buhay noon, lalo na noong maliit pa si Gummy.

Source: Instagram
"To my panganay: 'Anak, ito ang bumuhay sa atin nung maliit ka pa.' Felt a little emotional baking these Nutella Rocks today," ani Bettinna sa caption. Ayon sa kanya, huling beses silang gumawa nito ay noong December 2020 pa, bago nila isinara ang C Kitchenry, ang kanilang dating negosyo.

Read also
Celebrities, nakiramay kay Rufa Mae Quinto sa bagong post nito tungkol kay Trevor Magallanes
"Gummy craved last week and we only found the time today, and we realized that we have not had it in 5 years! The last time was December 2020 before closing C Kitchenry. Figured that it was also Mina's first time to try it. Awwww what a moment and a memory. Hay God's Faithfulness!"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami sa mga netizens ang naantig sa post ni Bettinna, at karamihan sa kanila ay nanawagan na muling ibenta ang Nutella Rocks dahil sa sarap nito, "I miss this. I've ordered it a few times because it's so yummy. Sana available again." Isa pang netizen naman ang nagsabi, "Awww, kakaiyak to see Gummy's toddler photos! Seeing her now is a reminder of God's faithfulness!"
Ang simple ngunit makabuluhang sandali sa kusina ay naging paalala para sa marami na ang kwentong ito ay hindi lang tungkol sa baked goods, kundi isang patotoo ng pag-ibig ng isang ina.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Bettinna Carlos ay isang Pilipinang aktres at host. Sinimulan niya ang kanyang karera sa edad na 15 sa GMA Network. Kalaunan ay lumipat siya sa ABS-CBN bago muling bumalik sa GMA noong 2012. Bukod sa pag-arte, naging host din siya ng cooking show na Idol sa Kusina. Sa kanyang personal na buhay, may anak si Bettina na nagngangalang Amanda Lucia. Ikinasal siya kay Mikki Eduardo noong December 2020, at noong 2022 ay isinilang ang una nilang anak na magkasama, si Amina Elizabeth. Bukas ding ibinabahagi ni Bettina ang kanyang karanasan bilang single mother noon at ang buhay ng kanyang pamilya sa La Union, kung saan binibigyang-diin niya ang kanyang pananampalataya at katatagan sa buong paglalakbay ng kanyang buhay.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naimbitihan ni Toni Gonzaga si Bettinna Carlos sa 'Toni Talks.' Dito ay nag-open up si Bettina tungkol sa biological dad ng kanyang anak na si Amanda Lucia o Gummy. Sa naturang episode, binalikan ni Bettina ang panahong iniwan niya ang ama ni Gummy. Aniya Bettina sa interview, "I tried to work things out, pero lahat talaga pinag-aawayan namin"
Samantalang nag-post si Bettina Carlos sa kanyang Instagram ng ilang sulyap sa kanyang buhay bilang mapagmahal na ina. Nag-upload siya ng mga sweet na larawan na nagpapakita ng simple ngunit makabuluhang buhay nila ng kanyang mga anak. Ipinahayag din ng actress-host kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang mga anak at ang labis niyang pasasalamat sa Diyos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh