Rufa Mae Quinto, inulan ng pakikiramay sa post niya ng larawan nila ng asawa
- Nagsalita na si Rufa Mae Quinto sa unang pagkakataon matapos lumabas ang iba't ibang espekulasyon online kaugnay sa biglaang pagpanaw ng kanyang dating asawa na si Trevor Magallanes
- Inilabas niya ang opisyal na pahayag sa Instagram, kasunod ng isang post na walang caption, kung saan malinaw niyang sinabi na sila mismo ng pamilya ni Trevor ay patuloy pang nagbeberipika ng mga detalye ng insidente
- Sa kanyang pahayag, mariin niyang hiniling sa publiko na itigil muna ang pagpapakalat ng maling impormasyon at igalang ang kanilang katahimikan sa gitna ng pagluluksa, lalo na para sa kanilang anak
- Ipinahayag din ni Rufa na lilipad na silang mag-ina patungong Amerika upang personal na makasama ang pamilya ni Trevor, at nanawagan siya na hintayin lamang ang opisyal na pahayag mula sa kanilang pamilya at hindi sa ibang tao o source
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang sunod-sunod na haka-haka na lumabas online, nagbigay na ng pahayag si Rufa Mae Quinto kaugnay sa pagkamatay ng kanyang ex-husband na si Trevor Magallanes. Sa isang Instagram post na unang walang caption, minabuti niyang magbigay ng malinaw na pahayag upang itigil ang kumakalat na spekulasyon sa social media.

Source: Instagram
"I’m deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter. Just pray for us that we will get thru this by the help of God!" ani Rufa sa kanyang post. Kasama rin sa kanyang mensahe ang panawagan na itigil muna ang pagpapakalat ng mga hindi pa kumpirmadong impormasyon, lalo’t hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa umano ng kanilang pamilya ang tunay na sanhi ng pagkamatay.
"We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened," dagdag pa niya. Ayon kay Rufa, lilipad na silang mag-ina patungong Amerika upang makasama ang pamilya ni Trevor. Nanawagan din siya na hintayin ang opisyal na pahayag mula sa kanilang pamilya lamang.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Thank u very much and pls give us respect & pray for us in this time of trial. Hanggang sa huli… Hanggang sa muli, Mahal kita Trev," pagtatapos ni Rufa.
Si Rufa Mae Quinto ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Sa kabila ng kanyang masayahing personalidad, naging bukas siya sa publiko tungkol sa kanyang personal na buhay, lalo na sa kanyang relasyon kay Trevor Magallanes, isang Filipino-American financial analyst na nakabase sa US. Nagpakasal sila noong 2016 at biniyayaan ng isang anak na babae. Taong 2023 nang aminin ni Rufa na sila ay naghiwalay na, ngunit nanatili silang maayos para sa kanilang anak.
Kaugnay nito, isa sa mga naunang balita ay mula sa Kami.com.ph, kung saan inamin ni Rufa Mae na sila ni Trevor ay nagdesisyong maghiwalay na. Sa artikulo, sinabi ni Rufa na "we're separated, we're not annulled yet... okay naman kami." Binanggit din niya na wala silang samaan ng loob at mas pinili nilang itutok ang kanilang oras sa pagpapalaki sa anak nila.
Sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, maraming celebrities ang nagpahayag ng pakikiramay kay Rufa Mae matapos ang kanyang post ukol sa pagpanaw ni Trevor. Nagbigay ng komento sina Gladys Reyes, Regine Tolentino, Jaya, Geneva Cruz, at marami pang iba. Halatang ramdam ang suporta ng showbiz industry sa pinagdadaanan ngayon ni Rufa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh