Marco Gumabao, napa-"oh no" sa pagkasa ni Nadine Samonte sa 'pagod na ako' trend

Marco Gumabao, napa-"oh no" sa pagkasa ni Nadine Samonte sa 'pagod na ako' trend

  • Si Marco Gumabao ay labis na naaliw sa isang post ni Nadine Samonte sa social media
  • Kamakailan ay ibinahagi kasi ni Nadine ang umano'y 'TikTok' era nila ng kanyang mister
  • Sa video, makikitang tila umaarte ang dalawa na para bang sila ay may malaking pagtatalo
  • Ngunit bigla na lamang nagsayaw ang dalawa na labis namang kinagiliwan ng mga tao

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Marco Gumabao ay naging usap-usapan online matapos magbigay ng nakakatuwang reaksyon sa isa sa mga bagong video ni Nadine Samonte kasama ang kanyang asawang si Richard Chua.

Marco Gumabao, napa-"oh no" sa pagkasa ni Nadine Samonte sa 'pagod na ako' trend
Photos: @gumabaomarco, @nadinesamonte on Instagram
Source: Instagram

Noong Wednesday, July 30, ibinahagi ni Nadine sa kanyang Instagram page ang isang TikTok clip kung saan makikitang kunwari silang nagtatalo ni Richard bago biglang bumirit ng isang nakakatawang sayaw sa harap ng camera na talaga namang kinagiliwan ng kanilang followers.

Ang ginamit nilang audio ay galing sa sikat na 2018 drama film na The Hows of Us, na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kilala sa kanilang tambalang 'KathNiel' noon. Sa caption ng kanyang now-viral post, pabirong isinulat ni Nadine ang caption na: "OO!!!!! Pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na ako!!!!! @rboy_chua TikTok pa more."

Read also

Janica Nam, ibinunyag ang kanyang pagbubuntis sa isang cute na video: "Oops"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maraming netizens naman ang naaliw sa pagiging game ng mag-asawa sa pagsali sa viral trend.

"Ang galing niyo pong dalawa haha."
"Uy! Ito na ba ang start ng TikTok era?"
"Super nakakatuwa kayong dalawa, grabe."
"Eh yung game na game si Richard hahahaha."
"Kay mister talaga ako natawa eh, talagang effort eh."

Ngunit ang lalong nagpasigla sa comment section ay ang maikling komento ni Marco na "oh no," kasunod ng pagtawag niya sa ilang mga kaibigan gamit ang pag-tag sa kanila sa comments.

Panoorin ang video sa ibaba:

Marco Gumabao, napa-"oh no" sa pagkasa ni Nadine Samonte sa 'pagod na ako' trend
Screenshot mula sa Instagram ni @nadinesamonte
Source: Instagram

Si Marco Imperial Gumabao ay isang Filipino actor at model. Nagsimula ang kanyang showbiz sa isang role niya sa Toda Max bago sumikat bilang si JB Arellano sa youth series na Luv U, kung saan sinabayan niya si Miles Ocampo bilang kanyang ka‑love team. Matapos ang kanyang teen roles, lumipad ang kanyang career sa pamamagitan ng mga notable na pelikula gaya ng She's Dating the Gangster, Just the Way You Are, at Ulan, pati na rin sa mga teleseryeng tulad ng Forevermore, Pusong Ligaw, Hanggang Saan, at Los Bastardos. Bukod sa pag-arte, kilala rin siya bilang modelo ng Bench/Body simula 2017, na nagbigay ng ibang image naman kay Marco.

Read also

Katrina Halili, aliw na aliw sa reaksyon ni Katie sa kanilang smart lock: "Sorry, Katie"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpahayag ng pasasalamat si Marco Gumabao matapos ang kanyang pagkatalo sa Camarines Sur. Nagpasalamat ang aktor sa mga tumanggap, sumuporta, at nagbahagi ng kanilang mga kuwento sa kanya sa panahon ng kampanya. Sa kabila ng pagkatalo, binigyang-diin niya na ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa posisyong politikal.

Samantalang noong February naman ay nag-post si Marco Gumabao ng pagbati para kina Michele Gumabao at Aldo Panlilio. Matatandaang ikinasal sina Michele at Aldo sa isang maganda at masayang church ceremony. Sa Instagram, binati ng kilalang aktor ang kanyang kapatid at ang bayaw niya. Nagbigay rin si Marco ng isang maikli ngunit taos-pusong mensahe para kay Aldo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco