Nadine Lustre pumalag sa fake quote: “Makapag post lang talaga eh”

Nadine Lustre pumalag sa fake quote: “Makapag post lang talaga eh”

  • Pinabulaanan ni Nadine Lustre ang quote na iniuugnay sa kanya tungkol sa "Mirror Method"
  • Tinawag niyang gawa-gawa lang ang nasabing post ng ilang chismis blogs
  • Nilinaw niyang hindi niya alam ang "Mirror Method" at mas pinapahalagahan ang kabutihan kaysa gantihan ang malamig na ugali
  • Naglabas siya ng mensahe tungkol sa pagpapatawad, kapayapaan, at pagpili ng kabutihan para sa sariling kapakanan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tahasang itinanggi ni Nadine Lustre ang isang quote na viral ngayon online na iniuugnay sa kanya. Ayon sa post, ang actress umano ay nagbahagi ng prinsipyo ng “Mirror Method”—isang idea na kapag hindi ka binati, hindi mo rin sila babatiin; kapag hindi ka inaya, huwag mo rin silang yayain.

Nadine Lustre pumalag sa fake quote: “Makapag post lang talaga eh”
Nadine Lustre pumalag sa fake quote: “Makapag post lang talaga eh” (📷Nadine Lustre/Facebook)
Source: Instagram

Ang buong quote ay nagsimula sa:

“I started using the ‘Mirror Method’. ‘Di ka nila binati nung birthday mo? Don’t greet them also…”

Hanggang sa pagtatapos nito sa:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Just give them the same energy they’re giving to you. Trust me, life feels light when you do this.”

Read also

Mga reaksyon ni Sarah Geronimo sa "one-hour hike" nila ni Matteo Guidicelli, kinaaliwan

Pero ayon mismo kay Nadine sa kanyang Facebook post:

“parang di ko naman po sinabi yan. . .”

Sinundan pa niya ito ng mas diretsong komento:

“‘tong mga chismis blogs na to makapag post lang talaga ng content eh… baka sa Q4 buntis nanaman ako ha?”

At dagdag pa:

“di ko nga alam kung ano yung mirror method na yan. alam ko lang mirror mirror by M2M”

Sa halip na patulan ang isyu sa mainit na paraan, pinili ni Nadine na ibahagi ang sariling pananaw ukol sa mirroring. Aniya:

“I honestly don’t believe in mirroring coldness just because someone chose to forget, ignore, or not show up... Because kindness isn’t for them, it’s for YOUR soul.”

Dagdag pa niya, mas mahalaga ang pagpili ng kabutihan kahit walang kapalit. Hindi niya sinasang-ayunan ang ideyang kailangang tapatan ng malamig na ugali ang kakulangan ng iba.

Ang kabuuang mensahe niya ay tungkol sa emotional maturity, forgiveness, at letting go. Para kay Nadine, hindi galit o sama ng loob ang magpapalaya sa isang tao, kundi ang kapayapaan na dala ng pagpapatawad kahit walang paghingi ng tawad.

Read also

Ellen Adarna, prinangka ang umuutang sa kanya: “Ako duha ka anak”

“You let go not because they deserve it, but because YOU deserve peace.”

Si Nadine Lustre ay isa sa mga kilalang aktres at performers sa industriya ng showbiz. Sumikat siya sa pamamagitan ng pelikulang Diary ng Panget at mas lalo pang tumaas ang kasikatan bilang bahagi ng love team nila ni James Reid. Maliban sa acting at singing career, aktibo rin siya sa environmental advocacy at self-growth content, kaya hindi na rin bago na magsalita siya tungkol sa inner healing at kindness.

Sa dami ng fake news at chismis sa social media, hindi na rin kataka-taka na paulit-ulit siyang naglalabas ng pahayag para ipaliwanag ang kanyang panig—lalo na kung taliwas ito sa kanyang mga pinapahalagahan.

Noong Hunyo, sumagot si Nadine sa isang follower na may kumento tungkol sa kanyang kasalukuyang karelasyon. Ang sagot niya ay simple ngunit malaman: “Stop judging people.” Pinakita nito ang kanyang paninindigan sa respeto at pagtigil sa panghuhusga, isang consistent na tema rin sa kanyang mensahe tungkol sa kabutihan sa kabila ng negativity.

Read also

PNP Chief Torre tinapos na ang usapin sa posibleng boxing rematch kay Baste Duterte

Noong Mayo, pormal na naghain ng reklamo si Nadine laban sa patuloy at malisyosong mga post sa social media na bumabatikos sa kanya. Isa itong hakbang para protektahan hindi lang ang kanyang reputasyon, kundi pati na rin ang mental health niya. Tulad ng paninindigan niya sa isyu ng fake quotes, nagpapakita ito ng hangarin niyang manatili sa katotohanan at ipaglaban ang dignidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate