Anak nina Dianne Medina at Rodjun Cruz, sinimulan na ang kanyang 'Kinder Journey' sa Ateneo
- Super proud talaga sina Dianne Medina at Rodjun Cruz sa kanilang panganay
- Kamakailan ay ibinahagi ng dalawa ang pagsisimula ng kinder journey ni Joaquin
- Papasok lamang si Joaquin sa Ateneo de Manila University na hinahangaan ng marami
- Aniya Rodjun, super saya at happy daw talaga nila para kay Joaquin at sa new journey nito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Masayang ibinahagi ni Dianne Medina at ng kanyang asawa na si Rodjun Cruz ang isang malaki at napakahalagang milestone sa buhay ng kanilang anak na si Joaquin — ang opisyal na pagsisimula ng kanyang kinder journey sa Ateneo de Manila University ngayong taon.

Source: Instagram
Noong Tuesday, July 29, sabay na nag-post ang mag-asawa sa kanilang Instagram accounts upang ipahayag ang kanilang kasiyahan at pagmamalaki para sa kanilang panganay. Ayon sa post ni Dianne, ”A proud moment as Joaquin starts his kinder journey at Ateneo. Just like his Ninong @xavier_medina, Ninong @nixmedina, Ninong @jma_medina90 (Otep, I still remember bringing you to Ateneo when you were in prep). Fly high and have fun, anak! Love you so much.”
Samantala, si Rodjun naman ay nagpahayag din ng kanyang kagalakan sa pamamagitan ng isang sweet at nakakatuwang mensahe para kay Joaquin. Aniya, “Welcome to Ateneo, anak! We are so proud of you! Woohoo! Big boy na talaga. We love you so much! Enjoy! God bless you always.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Marami sa mga netizen ang natuwa at nagpaabot ng pagbati sa comment section ng kanilang mga post sa photo-sharing app. Nagpakita ng suporta at excitement ang kanilang followers, sabay dasal para sa masaya at matagumpay na karanasan ni Joaquin sa kanyang pag-aaral.
Isang proud parenting moment talaga ito para kina Dianne at Rodjun, at panibagong yugto rin ito sa paglalakbay ng kanilang panganay na anak sa malawak na mundo ng edukasyon.
Si Dianne Medina ay isang Filipina actress at TV host. Bukod sa kanyang unang mga proyekto sa pag-arte, nakilala si Dianne bilang isang mahusay at versatile na TV host at presenter. Naging host siya ng mga morning shows sa PTV‑4, naging bahagi rin ng mga segment ng GMA gaya ng Unang Hirit, at lumabas sa mga teleserye ng GMA tulad ng Beautiful Strangers. Sa likod ng camera, co-founder siya ng isang events management company. Sa kanyang personal na buhay, kasal siya sa aktor na si Rodjun Cruz mula noong 2019, at mayroon na silang dalawang anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ikinatuwa ng marami sa social media ang pinakabagong post ni Dianne Medina. Sa Instagram, nagsulat si Dianne ng mensahe para sa kaarawan ng kanyang brother-in-law na si Rayver Cruz. Puno ng lambing at katatawanan ang kanyang birthday greeting na nakapaloob sa caption ng post. Kalaunan, nagkomento si Rayver sa kanyang post.
Samantalang ibinunyag ni Dianne Medina na ang live selling ay naging main na pinagkakakitaan ng pamilya niya mula nang siya'y magsimula noong panahon ng pandemya. Nagsimula pala ang kanyang negosyo bilang isang social cause noon, kung saan tinulungan niya ang mga single moms na hirap sa buhay, upang ibenta ang kanilang mga produkto online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh