Marian Rivera, tawang-tawa sa "kaldero at katol" jokes ng netizens sa outfit niya

Marian Rivera, tawang-tawa sa "kaldero at katol" jokes ng netizens sa outfit niya

  • Sinubukan ni Marian Rivera ang isang TikTok trend at nagbiro sa caption: “Try ko nga itong ginagawa ng mga GenZ 🤣🤣🤣 whahahaha #MarianRivera”
  • Umani ng aliw ang post matapos sagutin ni Marian ang mga nakakatawang komento ng netizens
  • Isa sa mga tanong: “Bakit po kayo may katol?” na sinagot ni Marian ng “Whahahaha baka malamok 🤣
  • Tinawanan din niya ang mga banat tungkol sa kaldero at pacifier na makikita raw sa kanyang outfit

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Marian Rivera ay muling nag-viral sa TikTok—hindi lang dahil sa kanyang outfit kundi dahil sa nakakatawang sagutan niya sa mga netizen sa comments section. Sa caption pa lang, may pa-joke na agad si Marian:

Marian Rivera, tawang-tawa sa "kaldero at katol" jokes ng netizens sa outfit niya
Marian Rivera, tawang-tawa sa "kaldero at katol" jokes ng netizens sa outfit niya (📷@marianrivera/Instagram)
Source: Instagram

“Try ko nga itong ginagawa ng mga GenZ 🤣🤣🤣 whahahaha #MarianRivera”, sabay post ng kanyang look habang kasali sa isang trend.

Pero ang talagang bumida? Ang mga komento mula sa mga netizen at ang sobrang kwelang sagot ni Marian. Isang follower ang nagtaka:

Read also

Ogie Diaz, nagpahayag ng saloobin tungkol sa pag-uugali ni Fyang Smith sa publiko

“Madam bakit po kayo may katol”, na sinagot niya ng diretsahang biro: “Whahahaha baka malamok 🤣”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pa dito natapos ang katuwaan—may isa namang nagtanong:

“Bkit po anjan ng kaldero namin? 🥺”

Ang witty reply ni Marian: “Takip lang ito! Nasa yo ang kaldero 🤣”

Nagtuloy-tuloy ang kantyawan. Isa pang comment:

“Pakibalik nalang po yang nahiram mong takip ng kaldero ng lola ko Ms Marian 😭😭”,

na sinagot ni Marian ng “Bukas pwede? 🙈🤣”

May nagtanong pa tungkol sa pacifier: “Ung pacifier madam 😅🥰” at mabilis siyang sumagot: “Whahahahahaha 🤣”

Ang isa namang comment ay may throwback:

“Actually si Marian nauna sa ganito, yung nasa rooftop sya ng GMA! Remember? 😁”

At dito, naging mas reflective ang tugon ni Marian:

“Nauna man o hindi walang problema 😍 - tiktok trend na gustong subukan ng kahit sino - pag masaya ka gawin mo lang ♥️ bakit need kailangan ng approval ng iba? Wag enjoy lang 😘”

Read also

Heart Evangelista, hindi sang-ayon sa netizen na nagkukumpara sa kanya kay Marian

Sa post na ito, pinakita ni Marian hindi lang ang pagiging fashionista kundi pati ang pagiging kalog, game, at genuine sa mga tao. Isa siyang halimbawa ng isang celebrity na hindi kailangang maging “perfect” sa social media—mas mahalaga ang pagiging totoo.

Si Marian Rivera ay isa sa pinakasikat na aktres ng GMA Network. Maliban sa kanyang mga teleserye, sumisikat din siya ngayon sa digital content kasama ang kanyang anak na si Zia. Kilala rin siya sa kanyang natural na charm, beauty, at strong connection sa mga fans—mapa-TV man o social media. Sa TikTok, napapanatili niyang light at entertaining ang kanyang presence, laging may halong kilig at tawa.

Sa viral TikTok video, sumali si Marian at anak niyang si Zia sa sikat na Bugatti trend. Tuwang-tuwa ang mga netizens dahil sa effortless na dating ng mag-ina, at marami ang nagsabi na bagay sa kanila ang aesthetic ng trend. Muling pinakita ni Marian kung paano niya pinagsasabay ang pagiging hands-on na ina at pagiging in-demand content creator.

Read also

Fhukerat, pinuna sa paggamit ng passport sa domestic flight; nagbigay ng paliwanag

Nagbigay ng pahayag si Heart Evangelista sa isang comment na ikinumpara siya kay Marian. Sa halip na patulan, sinabi niyang hindi kailangang ipagkumpara ang dalawang babae, at pinuri pa si Marian bilang may sariling klaseng ganda at charisma. Pinapakita nito ang respeto at maturity ng parehong celebrities, at ang pagsuporta sa isa’t isa kahit may mga fans na mahilig magkumpara.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate