Alex Gonzaga, napa-"ay sandale" sa beach photos ni Zeinab Harake

Alex Gonzaga, napa-"ay sandale" sa beach photos ni Zeinab Harake

  • Si Alex Gonzaga ay muling nag-viral dahil sa kanyang reaksyon kay Zeinab Harake
  • Kamakailan lang ay nag-post kasi si Zeinab ng naggagandahang beach photos niya
  • Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga fans
  • Ngunit ang comment talaga ni Alex ang nagpatawa sa maraming netizens sa app

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Alex Gonzaga, isang kilalang aktres at vlogger, ay muling pinasaya ang social media matapos ang kanyang nakakatawang reaksyon sa pinakabagong post ni Zeinab Harake. Noong Sunday, July 27, nagbahagi kasi si Zeinab ng ilang nakakabilib na larawan sa Instagram kung saan makikita siyang naka-swimsuit at may suot na sombrero habang nagpo-pose sa tabing-dagat.

Alex Gonzaga, napa-"ay sandale" sa beach photos ni Zeinab Harake
Photos: @cathygonzaga, @zeinab_harake on Instagram
Source: Instagram

Sa kanyang caption, isinulat ni Zeinab ang, "Just me, as always," na agad namang umani ng papuri mula sa kanyang fans. Ngunit ang tunay na nagpaaliw sa comment section ay ang komento ni Alex Gonzaga na nagsabing, "Ay sandale. Asan ba tsinelas ko? Gagasgasan ko yan."

Read also

Sharon Cuneta reacts to Joross Gamboa's recent post: "I am so proud of you"

Ang naturang komento ni Alex ay agad naging viral at umani ng maraming likes at reaksyon. Isa sa mga netizen ang nagkomento pa na tila naririnig daw niya ata ang boses ni Alex sa comment, "Kahit binabasa ko lang, parang naririnig ko boses mo habang binabasa ko 'to hahahahah."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na rin bago sa publiko ang kulitan nina Alex at Zeinab. Matatandaang noong July 2024, naging usap-usapan ang tambalan nila nang tulungan ni Zeinab si Alex sa isang prank kay Ray Parks Jr., na ikinatuwa rin ng maraming fans, lalo na nga ng mga fans ni Zeinab sa social media.

Ang nasabi kasing prank ay ang pagpapanggap ni Zeinab na tila nabanas siya, kung kaya't ang tinawag nila itong "Pikon Prank." Ngunit ang naging reaksyon naman ni Ray ang siyang nagpakilig sa maraming fans ni Zeinab, lalo na kung paano niyang lambingin ang huli.

Bukod pa rito ay marami rin ang humanga sa pagpapakatotoo ni Zeinab ukol sa prank.

Read also

Xyriel Manabat sa pagiging ate niya: "Gusto ko na ang maaalala nila is family, hindi trauma"

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Alex Gonzaga, napa-"ay sandale" sa beach photos ni Zeinab Harake
Screenshot mula sa Instagram ni @zeinab_harake
Source: Instagram

Si Alex Gonzaga, na ipinanganak bilang Catherine Mae Cruz Gonzaga, ay isang sikat na Filipina actress, TV host, vlogger, at singer. Bukod sa kanyang trabaho sa showbiz, isa rin si Alex sa mga top YouTubers sa Pilipinas. Kadalasang tampok sa mga video niya ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at ang kanyang asawa na si Mikee Morada.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling kinagiliwan si Alex Gonzaga dahil sa kanyang online post. Sa Instagram, ibinida ni Alex ang matching PJs nina Seve at Polly na kanyang pasalubong. Ngunit ang pumukaw sa atensyon ng marami ay ang pagpapaalam ni Alex sa kanyang ate. Aniya Alex, sana raw ay mahiram niya si Baby Polly na kinaaliwan ng marami.

Samantalang tila nag-viral si Alex Gonzaga dahil sa kanyang nakakaaliw na reaksyon. Kamakailan ay nag-viral kasi ang video ng isang agent na tila 'lookalike' niya. Dahil dito ay agad na napa-comment si Alex at may hirit pa nga sa ahente na ito. Bumuhos tuloy ang mga nakakaaliw na comment at jokes mula sa mga netizens sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco