Vice Ganda, kinausap ang Senior VP ng GMA na si Annette Gozon tungkol kay Shuvee Etrata
- Marami ang nagulat sa ibinunyag kamakailan lang ni Vice Ganda sa X (dating Twitter)
- Sa site, ibinahagi ni Vice na siya mismo ang nakipag-ugnayan kay Atty. Annette Gozon
- Aniya, may kinalaman kasi ito sa kanilang talent na si Shuvee Etrata, na gusto ni Vice
- Ibinahagi ni Meme ang rebelasyon na ito matapos ang kanilang vlog shooting nito lamang
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinunyag ni Vice Ganda, isa sa mga pinakatanyag na Kapamilya stars, na siya mismo ang nakipag-ugnayan kay Atty. Annette Gozon, ang Senior Vice President ng GMA Network, upang mapasama si Shuvee Etrata sa It's Showtime. Ibinahagi ni Vice ang rebelasyong ito sa pamamagitan ng kanyang post sa X (dating Twitter) noong Saturday, July 26, kaugnay ng kanyang pinakabagong vlog kung saan tampok sina Ashley Ortega at pati na rin si Shuvee.

Source: Instagram
Ang naturang vlog, na in-upload sa YouTube, ay agad na umani ng mahigit 1.6 milyong views, at ikinatuwa ng maraming fans nina Ashley at Shuvee. Ngunit ang mas lalong ikinagulat ng marami ay ang inamin ni Vice sa kanyang tweet: "Even before we shot the vlog, gusto ko na si Shuvee. Kaya nga ako mismo ang kumausap kay Miss Annette para kunin siya sa Showtime. Si Ashley, di ko pa masyadong kilala at wala akong dama sa kanya. Pero after the vlog, mahal ko na sila pareho. Pareho silang magandang nilalang," pagbabahagi ni Vice sa kanyang followers.
Dahil dito, hindi napigilang magpakita ng suporta at kasiyahan ang fans nina Ashley at Shuvee sa comment section. Marami ang natuwa sa pagiging bukas at tapat ni Vice, lalo na sa pagpapahalaga niya sa mga bagong talento na kanyang nakikilala sa lokal na industriya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Waahh! Grabe ito, Meme! Thank you so much for loving Ashley and Shuvee!"
"Sabi na eh, I really stan the right women. Thank you, Meme! Their friendship is remarkable and admirable. The vlog was topnotch! You always bring out the best in people."
"Thank you, Meme Vice! We saw a different side of Shuvee that made us even more proud. And grabe, the friendship she has with Ashley, ang genuine. Sobrang salamat po sayo, Meme Vice!"
"Thank you so much, Meme, for appreciating both Ashley and Shuvee! We're truly grateful for the way you showed a part of who they are as individuals. Thank you for the exposure you gave to both girls. and especially to Shuvee, who had the wonderful opportunity to be a guest host on It's Showtime! Maraming salamat, Meme!"

Read also
Angelica Panganiban may nakakaaliw na post ukol kay Amila: "Na-suportahan ni Tita Ria & Tito Zanjoe"
Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng showbiz.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muli na namang umani ng papuri si Vice Ganda mula sa maraming netizens. Kamakailan, kumalat ang isang video ng Unkabogable Star kung saan makikitang bigla niyang itinigil ang kanyang spiel halfway. Habang inanunsyo umano ni Vice ang mga premyo, may napansin siya sa kanyang binabasa kaya't saglit siyang huminto.
Samantalang nagpaantig sa puso ng marami ang isa sa mga panibagong online post ni Vice Ganda. Kamakailan ay ibinahagi kasi ni Vice na naisipan niyang puntahan ang kanyang ina. Aniya Vice, niyaya niya ito na makipag-bonding sa kanya sa labas, at sa ulan. Naging emosyonal naman ang ilan sa caption at reflection ni Meme Vice tungkol sa pagiging present sa buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh