Ynna Asistio, nag-reflect sa madalas na sinasabi ni Nadia Montenegro noon: "Wag niyo akong gayahin"

Ynna Asistio, nag-reflect sa madalas na sinasabi ni Nadia Montenegro noon: "Wag niyo akong gayahin"

  • -Si Nadia Montenegro ay naging sentro ng isang makabuluhang post ni Ynna Asistio
  • -Kamakailan ay nag-reflect kasi ang aktres sa isang heartfelt na Instagram post
  • -Dito ay ibinahagi ni Ynna ang isang bagay na madalas sabihin ni Nadia sa kanila noon
  • -Aniya ni Ynna, "At the time, I didn't fully understand what she meant, but now, I finally do"

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Nadia Montenegro, isang aktres, ang naging sentro ng isang emosyonal at makahulugang reflection ng kanyang anak na si Ynna Asistio, na kamakailan ay nagbahagi ng taos-pusong mensahe sa Instagram tungkol sa mga aral sa buhay na natutunan niya mula sa kanyang ina.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Ynna ang ilang larawan na may kasamang mga personal notes.

Ynna Asistio, nag-reflect sa madalas na sinasabi ni Nadia Montenegro noon: "Wag niyo akong gayahin"
Photos: @triplea_digital, @officialnadiam on Instagram
Source: Instagram

Isa sa mga tumatak na payo mula kay Nadia na ibinahagi ni Ynna ay ang linyang: "I'll never forget what Mom used to say: 'Wag niyo akong gayahin.'" Ayon kay Ynna, noong una ay hindi pa niya lubos na nauunawaan ang ibig sabihin nito, ngunit sa paglipas ng panahon ay naging malinaw na ito sa kanya. "You always reminded us to make the right choices to build our lives well, to settle down and do things right: 'Wag niyo akong gayahin.' And Ma, I just want to say thank you, because those words stayed with me, and now I truly understand their weight," ani pa niya.

Read also

Angel Locsin, may bagong post sa socmed, proud sa anak ni Neil Arce na si Joaquin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod dito ay ibinahagi rin ni Ynna kung paano nagsimula ang kanilang "journey back to God" sa pamamagitan ng kanilang panganay na kapatid na si Yssa, na aniya ay siyang naghatid muli sa kanila sa pananampalataya. Ang lakas at pagsunod ni Yssa sa kalooban ng Diyos ang naging inspirasyon ni Ynna upang muling manumbalik ang kanyang loob sa Panginoon. "I've made many mistakes in the past. I've hurt my family deeply and caused so much pain," aminado rin si Ynna sa kanyang post, isang patunay ng kanyang pagpapakumbaba at pagnanais ng pagbabago.

Sa pagtatapos ng kanyang post, muling binalikan ni Ynna ang simpleng ngunit powerful na mga salita ng kanyang ina: "Your words, 'Wag niyo akong gayahin,' may have confused me before, but now I understand. We are where we are now because of your love, your sacrifices, and the wisdom you passed down. Thank you for being our quiet strength," aniya Ynna sa kanyang viral post.

Read also

Imogen Cantong, nanibago kay Anne Curtis nang dumating ito sa 'IOTNBO' set "in character"

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Nadia Montenegro ay isang Filipina actress na nagsimula ng kanyang karera sa pag-arte noong dekada 1980. Noong 2024, ipinagdiwang niya ang kanyang ika-40 taon sa industriya ng showbiz—isang mahalagang yugto sa kanyang career. Bukod sa kanyang pagiging aktres, kilala rin si Nadia sa kanyang malasakit sa paglilingkod sa bayan. Noong June 2024, sa edad na 52, matagumpay niyang natapos ang Basic Citizen Military Course at naging reservist ng Philippine Navy. Isa rin siyang ina ng walong anak, kabilang ang aktres na si Ynna Asistio. Ang kanyang karera at personal na hangarin ay sumasalamin sa kanyang dedikasyon sa sining at sa komunidad.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay kinumpirma ni Nadia Montenegro sa panayam ni Karen Davila na si Baron Geisler na ang kasama ng anak nilang si Sophia bilang paghahanda sa pag-aaral nito sa kolehiyo. Inihayag ni Nadia na naging maganda ang naging takbo ng mga nakaraang buwan para sa kanila at masaya siyang nakikitang gumagawa ng hakbang si Baron upang maging present na ama sa buhay ni Sophia. Ayon kay Nadia, payapa ang kanilang current setup bilang magulang.

Read also

Ruffa Gutierrez, patagong vinideohan ni Lorin habang siya ay nanonood ng laban ni Pacquiao

Samantalang nagdulot ng pag-aalala sa ilang fans si Nadia Montenegro. Sa isang post sa Instagram ay nalaman ng ilan na na-admit si Nadia sa ospital. Isa sa mga dumalaw sa kanya ay ang malapit niyang kaibigan na si Lotlot de Leon. Ngunit hindi naman naging malinaw ang dahilan ng pagkaka-ospital ng aktres, kaya’t lalong naging usap-usapan ito sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco