Sharon Cuneta reacts to Joross Gamboa's recent post: "I am so proud of you"

Sharon Cuneta reacts to Joross Gamboa's recent post: "I am so proud of you"

  • Nagbigay-saya kamakailan lang ang aktor na si Joross Gamboa sa kanyang fans
  • Ibinahagi kasi ng aktor ang pagbabakasyon niya sa Alberta kasama ang pamilya
  • Dito ay nagkwento si Joross ng kanilang karanasan sa Waterton Lakes sa Canada
  • Ngunit, ang nagpa-viral pa lalo sa kanyang post ay ang comment ni Sharon Cuneta

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay-saya at inspirasyon si Joross Gamboa sa kanyang mga followers matapos niyang ibahagi ang ilang magagandang larawan mula sa pagbabakasyon nila ng kanyang pamilya.

Sa isang Instagram post nitong Saturday, July 26, ikinuwento ni Joross ang kanilang unforgettable experience sa Prince of Wales Hotel at sa kahanga-hangang Waterton Lakes.

Sharon Cuneta reacts to Joross Gamboa's recent post: "I am so proud of you"
Photos: @joross_gamboa, @reallysharoncuneta on Instagram
Source: Instagram

"Grabe, na-enjoy namin ang mga creation ni LORD!" panimulang saad ni Joross sa kanyang caption. Ayon sa kilalang aktor, bagamat medyo gloomy ang panahon noong una — makulimlim at umaambon — nagdulot ito ng kakaibang sorpresa para sa kanila ng kanyang pamilya.

"Yung weather, medyo makulimlim, umaambon, sabi namin sayang di masyado kita ang view, pero yun pala, sa ganung panahon naglalabasan ang wildlife ng Waterton!" ani Joross. Masayang ibinahagi rin niya na dalawang beses silang nakakita ng bear, at ang isa ay tumawid pa malapit sa kanila. "Nakakita rin kami mga Ram pati mga Deer na binaba pa namin," dagdag pa niya.

Read also

Dasal ni Ion Perez, viral: "Bigyan niyo pa po ng mas malakas na pangangatawan ang partner ko"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngunit ang mas lalong nagpa-special sa kanyang post ay ang komento ni Sharon Cuneta, na kilala bilang Megastar sa showbiz. Sa comment section, nagpaabot si Sharon ng kanyang pagmamahal at suporta kay Joross: "I am so proud of you and so happy for you, my Jowoss! Miss na miss na kita, ilang years na! God bless you and your family, always," aniya ng Megastar.

Agad namang tumugon si Joross sa aktres na tinawag pa nga niyang "ate" sa comment section: "Mishu too, ate! May God bless you and your family! See you soon!" aniya ng actor-comedian.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Sharon Cuneta reacts to Joross Gamboa's recent post: "I am so proud of you"
Screenshot mula sa Instagram ni @joross_gamboa
Source: Instagram

Si Joross Gamboa ay isang kilalang Filipino actor at comedian. Sumikat siya bilang 2nd Runner-Up sa unang season ng Star Circle Quest noong 2004. Kilala si Joross sa kanyang mga papel bilang supporting actor, kung saan madalas siyang nagbibigay ng kulay at katatawanan sa pelikula at TV series gaya ng Deadma Walking, Hello, Love, Goodbye, at Rewind. Bukod sa kanyang talentong makasabay sa mga blockbuster films, kinilala rin si Joross bilang isang award winning actor. Nanalo siya ng Best Supporting Actor sa Cinemalaya 2012 para sa Intoy Syokoy ng Kalye Marino.

Read also

Bangkay ng batang babae, natagpuan sa Estero de Muralla sa Tondo

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naabot ni Joross Gamboa ang isang bagong makabuluhang milestone sa kanyang buhay. Natapos na kasi ng aktor ang AB Biblical Studies sa Global Life University. Ibinahagi niya sa social media ang isang carousel post na nagpapakita ng ilang mga tagpo mula sa kanyang graduation.

Samantalang noong 2024 ay ikinatuwa ng mga followers ni Joross Gamboa ang kanyang update sa social media. Nag-upload kasi si Joross ng isang video kung saan kasama niya sina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Sa Instagram, makikitang nagkaroon sila ng nakakatuwang skit habang nasa isang restaurant.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco