Valerie Concepcion, may pa-"daily interruption" na message sa kanyang anak
- Si Valerie Concepcion ay muling pinahanga ang mga netizens sa social media
- Noong Friday, July 25, ni-repost ni Valerie ang dance video nila ni Heather sa Instagram
- Sapul sa video ang saya ng mag-ina habang sila ay nagsasayaw para sa camera
- Ngunit ang talagang nagpaantig sa puso ng marami ay ang mensahe ni Valeria kay Heather
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Valerie Concepcion ay muling pinahanga ang mga netizen matapos niyang ibahagi ang isang nakakatawa pero taos-pusong 'daily interruption' note para sa kanyang anak na si Heather Fiona.

Source: Instagram
Noong Friday, July25, muling ipinost ni Valerie sa kanyang Instagram ang isang TikTok video kung saan makikitang masayang nagsasayaw ang mag-ina. Bukod sa viral na video, mas umantig sa puso ng mga netizens ang mensaheng isinulat ni Valerie para kay Heather.
Aniya, "To my dearest baby girl, Heather Fiona, MOM ALERT - HIGH PRIORITY. This is your daily interruption from the woman who made you and has zero chill when it comes to how awesome you are," panimula ni Valerie sa kanyang mensahe na ngayon ay nag-viral sa social media.

Read also
GMA reporter Bernadette Reyes pens open letter to aspiring journalists: "Dear communications student"
Sa naturang post sa Instagram, inilista ni Valerie ng mga paalala para kay Heather. Isa-isang binigyang-diin ng aktres kung gaano ka-gorgeous, ka-amazing, at ka-espesyal ang kanyang anak.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"You are fiercely loved, endlessly admired, and occasionally stalked by a proud parent who thinks you're the best thing to ever happen to this world (well, you and your brother Viktor). You're a whole vibe, my sweet love. Don't let anyone dull your shine. Now go out there and be the fabulous chaos I raised you to be. I love you more than tennis. And that's saying something," aniya Valerie.
Umani ng maraming komento at reaksyon ang post ni Valerie mula sa mga netizen na natuwa sa kanyang pagiging cool mom at supportive parent. Marami rin ang humanga sa kanilang relasyon bilang mag-ina, at sa paraan ng pagpapahayag ni Valerie ng pagmamahal sa kanyang anak.
Sa simpleng online post na ito, muling pinakita ni Valerie kung paanong ang pagmamahal ng isang ina ay maaaring maging source ng inspirasyon, aliw, at lakas para sa kanyang mga anak.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Valerie Concepcion ay isang kilalang Filipina aktres, TV host, at endorser. Nagsimula siya sa showbiz sa youth-oriented na programa na Click, at lumabas sa iba pang serye tulad ng Walang Hanggan. Bukod pa rito ay kilala rin siya sa kanyang papel bilang Nora Ferrer sa Sinasamba Kita. Bukod sa kanyang showbiz career, si Valerie ay nagtapos ng Bachelor of Arts sa Psychology sa Arellano University. Sa kanyang personal naman na buhay ay kasal si Valerie kay Francis Sunga.
As previously reported by KAMI in 2024, Valerie Concepcion gave a heartfelt message to Kathryn Bernardo. On Instagram Stories, Valerie shared ABS-CBN Films head Kriz Gazmen's post showing Kathryn receiving her award at the 10th Asian World Film Festival. Valerie then expressed how proud she is of the Kapamilya superstar.
Meanwhile, in the same year, Valerie Concepcion penned a short but gentle reminder to her fellow mommies. Valerie took to Instagram to upload a video of herself at Clinica De Beleza. The actress could be seen getting some treatments. She then reminded her fellow mommies to never forget themselves in the process of motherhood.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh