Dasal ni Ion Perez, viral: "Bigyan niyo pa po ng mas malakas na pangangatawan ang partner ko"

Dasal ni Ion Perez, viral: "Bigyan niyo pa po ng mas malakas na pangangatawan ang partner ko"

  • Nagpaantig naman ng damdamin online ang aktor at TV host na si Ion Perez
  • Sa Instagram, ipinost ni Ion ang isang nakakaantig na taos-pusong panalangin
  • Bukod sa dasal niya para kay Vice Ganda, ipinagdasal din ni Ion ang mga tao
  • Aniya nga ng TV host sa kanyang panalangin, "Tinataas ko po sayo ang lahat, AMA"

Nagpaantig ng damdamin si Ion Perez, isa sa mga regular host ng It's Showtime, matapos niyang mag-post ng isang taos-pusong panalangin sa kanyang opisyal na Instagram page kamakailan.

Nitong Thursday, July 24, ibinahagi ni Ion ang ilang bagong larawan habang siya ay nagba-bike.

Dasal ni Ion Perez, viral: "Bigyan niyo pa po ng mas malakas na pangangatawan ang partner ko"
Dasal ni Ion Perez, viral: "Bigyan niyo pa po ng mas malakas na pangangatawan ang partner ko" (@pereziion27)
Source: Instagram

Ngunit higit pa sa mga litrato, ang nakaantig sa puso ng netizens ay ang larawan na may kalakip na panalangin — hindi lang para sa kanyang partner na si Vice Ganda, kundi para sa lahat.

Sa kanyang mensahe, sinimulan ni Ion ang panalangin sa pasasalamat sa Diyos at panalangin para kay Vice na malagpasan ang mga darating na pagsubok sa buhay at trabaho nito:

Read also

Pokwang, pinaalalahanan si Manang Gina nang ito'y mamalengke: "Kawawa rin naman sila"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ama, magandang umaga. Gusto ko lang magpasalamat sa buong umaga at buhay na pinapahiram mo sa araw-araw sa bawat pag gising namin ng partner ko na masaya, walang nararamdamang sakit. At Ama, bigyan niyo pa po ng mas malakas na pangangatawan ang partner ko dahil sa mga darating na mga araw, marami po siyang gagawin," aniya Ion.

Kalaunan, isinama rin ni Ion sa kanyang dasal ang mga kababayan na naapektuhan ng bagyo, sabay panalangin para sa kanilang lakas at pag-asa sa gitna ng hirap na dala ng kalamidad:

"Sana Lord, gabayan at bigyan mo ng lakas ang mga taong naapektuhan ng bagyo. I-bless niyo po sila, bigyan niyo rin po [sila] ng lakas ng loob na magpatuloy sa hamon ng buhay! At sa mga kasalanan naming nagagawa, na hindi namin sinasadya, sana patuloy niyo po kaming patawarin! Tinataas ko po sayo ang lahat, AMA," pagsusulat ni Ion sa kanyang viral post.

Read also

Magkasintahan itinuloy ang kasal sa Barasoain Church sa kabila ng pagbaha

Umulan ng pasasalamat sa comment section ng post ni Ion, kung saan maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa kabutihang-loob at malasakit ng TV host. Marami ang nagsabing naantig sila sa kanyang panalangin at na-inspire sa kanyang pagiging bukas-palad sa pananalig at pagdarasal, hindi lamang para sa sarili kundi para sa kapakanan ng nakararami.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Ion Perez, ay isang kilalang Filipino model, actor, at TV host. Sumikat siya matapos niya maging 'Kuya Esc-rt' sa segment na Miss Q&A sa It's Showtime ng ABS‑CBN. Kalaunan ay naging regular na rin siyang host ng programa. Sa personal naman niyang buhay, siya ang partner ni Vice Ganda, at nagkaroon sila ng Certificate of Commitment sa isang special ceremony sa Las Vegas, Nevada. Bukod sa showbiz, sinubukan din niyang pumasok sa pulitika sa pamamagitan ng pag-file ng COC noong 2024, ngunit kalaunan ay napagdesisyunan niyang umatras matapos.

Read also

Bagong post ni Vice Ganda, viral: "Gusto ko lang makasama ang nanay ko at bumalik sa pagkabata"

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong February, nag-post si Ion Perez ng isang taos-pusong mensahe ng pasasalamat online. Nag-upload siya ng ilang larawan mula sa Dubai sa kanyang Instagram page bago niya pinasalamatan si Vice at ikinuwento ang mga ginagawa nito para sa kanya—na talaga namang kinilig ang marami, lalo na ang kanilang mga fans at supporters sa photo app.

Samantalang noong December 2024, naging laman ng balita si Ion Perez matapos siyang maaksidente sa isa sa kanyang mga pagkakarera. Iniulat ng GMA News na nasangkot sa isang aksidente ang It's Showtime host habang nasa gitna ng karera. Sa Instagram, ibinahagi pa ni Ion ang ilang larawan na nagpapakita ng tila mapanganib na mga stunt habang nakasakay sa motor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco