Xyriel Manabat sa pagiging ate niya: "Gusto ko na ang maaalala nila is family, hindi trauma"
- Nagbigay naman ng matinding online buzz si Xyriel Manabat kamakailan lang
- Nag-guest kasi ang Kapamilya star sa YouTube channel ng Black Cookies Production
- Sa nasabing guesting ay napag-usapan naman ang pagiging eldest sibling niya
- Bukod pa rito ay ibinahagi rin ni Xyriel ang kanyang number one goal sa ngayon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay naman ng matinding online buzz si Xyriel Manabat, isang Kapamilya actress at dating child star, matapos ang kanyang guest appearance sa YouTube channel ng Black Cookies Production. Dito ay tapat at emosyonal siyang nagbahagi ng ilang personal na kwento tungkol sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang pagiging panganay sa tatlong magkakapatid.

Source: Instagram
"Sobrang baliktad. Kung dati po sobra akong authoritarian, ngayon naman ang hilig ko silang i-spoil," pagbubunyag ni Xyriel tungkol sa kanyang pagbabago bilang ate. Ayon sa kanya, malaki na ang kanyang ipinagbago mula sa pagiging strict niya noon na ikina-relate naman ng iba.
"Sa mga kapatid ko po ngayon, gusto ko, parang nung naging positive na ang outlook ko sa buhay, na mas may ma-keep silang good memories," dagdag pa nga ni Xyriel. Isa umano ito sa mga dahilan kung bakit sinisikap niyang maging positibong impluwensya sa kanilang tahanan.

Read also
Netizen, minura si Bernadette Reyes matapos mag-cover ng baha; GMA reporter, may matapang na sagot
Hindi rin itinago ni Xyriel ang kanyang hangaring maging mabuting example sa kanyang mga kapatid pagdating sa kanilang magulang. "Ayokong maalala lang ng mga kapatid ko na, ‘Yung ate ko ang tigas sa parents ko. Yung daddy ko, hindi siya binigyan ng ate ko [ng chance] na magpakatatay.’ Gusto ko ang babaunin ng mga kapatid ko hindi something na i-he-heal nila sa inner child nila. Gusto ko na ang maaalala nila is family, hindi trauma," ani pa ng aktres.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngayon na muling aktibo si Xyriel sa mundo ng showbiz, dala niya ang bagong pananaw at determinasyon. "Ang goal ko talaga ngayon, hangga't maaari, hindi ako mag-no sa trabaho," aniya.
Ayon pa nga kay Xyriel, bukas siya sa anumang proyekto at handang tanggapin ang anumang papel, kahit sino pa ang kanyang makatrabaho. "Never lang talaga mawalan ng project. Wala po akong pili sa role, sa kasamang artista, as long as meron pong pumapasok," pagbabahagi niya.
Ang interview ni Xyriel ay umani naman ng papuri mula sa netizens, na humanga sa kanyang pagiging bukas, matured, at sa pagiging isang responsableng ate sa kanyang mga kapatid.
Panoorin ang video sa ibaba:
Xyriel Manabat ay isang kilalang Filipina actress na nagsimula bilang child star sa ABS‑CBN. Siya ay unang sumikat nang matanghal siya bilang Third Runner‑Up sa talent search na Star Circle Kid Quest: Search for the Kiddie Idol. Nakilala siya lalo nang gumanap bilang young Agua at Bendita sa seryeng Agua Bendita, at lalo pang sumikat nang ginampanan ang batang Anna Manalastas sa 100 Days to Heaven. Matapos ang ilang taon ng pagiging active sa industriya, nagpahinga si Xyriel mula sa showbiz mula 2017 hanggang 2023. Kalaunan ay bumalik siya noong 2023 at agad namayagpag sa mga palabas tulad ng Dirty Linen at Senior High.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay hindi napigilan ni Xyriel Manabat ang kanyang kilig dahil sa nakita niya. Kamakailan lang ay tinag kasi siya ni Jasmine Curtis sa isang Instagram post. Dahil dito ay napa-"hala" tuloy ang Kapamilya actress sa post na ito ng Kapuso star. Marami naman ang natuwa sa palitan ng dalawang artista.
Samantalang noong June ay na-evict sina Xyriel Manabat at Vince Maristela sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition. Inamin ni Xyriel na inexpect na niyang ma-evict at nagbiro pa nga sa kanyang mga fans. Gayunpaman, nagpasalamat siya sa mga tagasuporta na lumaban para sa kanya sa loob ng Bahay ni Kuya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh