Judy Ann Santos, naiyak sa kakatawa dahil sa kinalabasan ng kanyang bine-bake
- Si Judy Ann Santos ay pinasaya ang kanyang mga fans dahil sa viral video niya
- Ibinahagi kasi ni Ryan Agoncillo sa Instagram ang resulta ng 'experiment' ni Juday
- Tila sinubukan kasi ni Juday na mag-bake ng tinapay from scratch sa bahay nila
- Ngunit, talagang naloka ang dalawa sa resulta ng baking experiment na ito ng aktres
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Judy Ann Santos, isang batikang aktres, ay pinasaya ang kanyang mga fans matapos ibahagi ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo ang isang video ng kanyang latest baking experiment.

Source: Instagram
Noong Tuesday, July 22, nag-post si Ryan sa Instagram page niya ng isang video kung saan tawang-tawa sila habang tinatalakay ang naging resulta ng ginawang tinapay ni Judy Ann.
"Ayan na naman yung baking experiment mo. Natuto ka nang mag-bake ng?" tanong ni Ryan sa video na sinagot naman ni Judy Ann ng, "Kahoy. At least, may pampalit na tayo sa mga kahoy na matatanggal dito sa bahay." Sa naturang video na agad naging viral, maririnig ang mag-asawa na pinagtatawanan ang tinapay na binake ni Judy Ann na naging sobrang matigas. Maging ang anak nilang si Luna ay sinubukang kagatin ang tinapay, pero agad napangiwi at nagsabing, "Ow!"

Read also
Angelica Panganiban, may nakakaaliw na reaksyon sa Japan pics ni Glaiza de Castro: "Di masakit?"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Habang ipinapakita ni Ryan kung gaano katigas ang tinapay — sinubukan pa niya itong ipagpag at i-palo sa lamesa at halos hindi na nga makapagsalita sa kakatawa si Judy Ann, na napaluha na sa sobrang saya. Sa huli, pabirong sabi ni Ryan, "Dadating tayo diyan, just be patient. At least may progress. Di ka man natuto maging bakerist, at least natuto ka naman maging carpenter."
Sa comment section, napa-comment na nga ang ilan sa mga kaibigan ni Judy Ann sa industriya, tulad ni Jolina Magdangal na nagbiro at nagsabing, "Mare, gawin nating side table."
Panoorin ang video sa ibaba:

Source: Instagram
Si Judy Ann Santos ay isang Filipina aktres. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga TV drama tulad ng Mara Clara at Ula, Ang Batang Gubat, at mula noon ay naging isa sa mga pinakarespetadong personalidad sa showbiz. Ang mga versatile roles niya ay nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kanyang personal na buhay ay kasal si Judy Ann kay Ryan Agoncillo, isang Filipino actor-host. Sila ay may 3 anak na sina Johanna Louise, Juan Luis, at Juana Luisa. Bukod sa kanyang acting career, kilala rin si Judy Ann sa kanyang galing sa pagluluto.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay masayang ipinamalas ni Judy Ann Santos ang pagmamalaki niya kay Yohan Agoncillo. Sa Instagram ay ni-repost kasi ni Juday ang bagong account at channel ng kanyang anak. Base sa post, pinangalanan nilang 'Yohan Jams' ang nasabing page at channel ni Yohan. Marami naman ang talagang bumilib at pumuri sa talento at galing ni Yohan online.
Samantalang lubos na naantig si Judy Ann Santos kay Angelica Panganiban. Sa Instagram, ibinahagi ni Judy Ann ang isang sulyap sa kanyang flower bouquet mula sa brand na Petalier. Ang mga bulaklak ay galing kay Angelica Panganiban, isa sa kanyang matalik na kaibigan. Kasama ng flower bouquet ay isang matamis at taos-pusong liham din mula kay Angelica.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh