Imogen Cantong, nanibago kay Anne Curtis nang dumating ito sa 'IOTNBO' set "in character"

Imogen Cantong, nanibago kay Anne Curtis nang dumating ito sa 'IOTNBO' set "in character"

  • Si Anne Curtis ay muling napatunayan ang kanyang dedikasyon sa pagiging aktres niya
  • Noong Monday, July 21, ibinahagi ni Imogen Cantong ang experience niya sa 'IOTNBO' set
  • Matatandaang nag-viral ang scene ni Anne kasama si Imogen sa nasabing PH adaptation
  • Aniya Imogen, nanibago raw siya nang dumating si Anne sa set ng 'IOTNBO' para sa eksena

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Anne Curtis, isang sikat na Kapamilya star, ay muling napatunayan sa mga tao ang kanyang mataas na dedikasyon sa kanyang craft bilang isang aktres at artista matapos ibahagi ng child star na si Imogen Cantong ang kanilang recent experience sa set ng It's Okay To Not Be Okay.

Imogen Cantong, nanibago kay Anne Curtis nang dumating ito sa 'IOTNBO' set "in character"
Photos: @annecurtissmith, @imogencantong on Instagram
Source: Instagram

Noong Monday, July 21, ibinahagi ni Imogen sa kanyang Instagram account ang kanilang naging eksena sa nasabing serye, kung saan ginampanan niya ang papel ng isang batang fan ni Emilia 'Mia' Hernandez — ang karakter ni Anne sa Philippine adaptation ng sikat na Korean drama.

Read also

Maggie, walang nang galit sa ex: 'Life's too short for grudges'

Ayon kay Imogen, dumating si Anne sa set na "in character" na agad bilang si Mia, at talaga raw siyang nanibago dahil dito. "Ninang @annecurtissmith arrived 'in character.' Nanibago po talaga ako sa kanya kasi hindi po siya ganun in real life," ani Imogen sa kanyang viral post online.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngunit matapos ang eksena, ikinuwento rin ng child star kung paanong agad siyang pinuntahan ni Anne at niyakap ni matapos ang kanilang nakakatuwang scene. "So after ng shoot, lumapit siya to hug me. Hehehe. Ang galing niya po sa role niya. I love you Ninang Anne!" dagdag pa niya.

Maraming netizens ang naaliw at naantig sa palitan nila, at nag-iwan ng mga sweet at nakakatawang komento sa post ni Imogen. Hindi rin nagpahuli si Anne, at agad na nag-reply kay Imogen sa comment section, "Love you, bb girl." Muli, pinahanga ni Anne Curtis ang publiko hindi lang sa husay niya sa pag-arte, kundi pati na rin sa kanyang kabaitan sa kanyang co-actors.

Read also

Angelica Panganiban, may nakakaaliw na reaksyon sa Japan pics ni Glaiza de Castro: "Di masakit?"

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Anne Curtis-Smith ay isang Filipina-Australian actress, model, TV host, entrepreneur, at recording artist. Pumasok siya sa mundo ng showbiz sa edad na 12 nang mag-debut siya sa pelikulang Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis noong 1997. Simula noon, naging isa siya sa mga naging pinaka-sikat at highest paid na actress sa kanyang henerasyon. Bukod sa pagiging artista, kilala rin siya bilang host ng noontime variety show na It's Showtime mula pa noong 2009. Bukod sa pagiging sikat na artista ay kilala rin si Anne sa mundo ng pagne-negosyo dahil sa makeup brand na BLK Cosmetics, activewear line na Recess, at baby wear label na Tili Dahli.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral ang aktres na si Anne Curtis dahil sa kanyang post sa Instagram. Lumipad kasi siya patungong France kasama ang asawa at ang kanyang cute na anak. Sa nasabing bakasyon, pumunta sila sa sikat na Puy du Fou, isang theme park. Dahil dito ay marami ang pumuri sa OOTD ni Anne, pati na rin ang biyenan niya na si Cynthia Adea.

Read also

Cassy Legaspi, kinilig nang mapansin at mag-comment si Heart Evangelista sa post niya

Samantalang noong May ay pinatunayan ni Anne Curtis kung bakit siya ay isang 'certified trendsetter' sa showbiz. Nag-post kasi si Anne ng bagong video sa Instagram kung saan nagpapagupit siya ng buhok. Ngunit ikinagulat ng mga fans ang kanyang final look para sa bago niyang pelikula kasama si Erik Matti. Marami ang talagang naloka sa edgy look na ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco