American actor na nakilala sa 'Crosby Show' pumanaw matapos malunod
- Nalunod sa Costa Rica ang US actor na si Malcolm-Jamal Warner na kilala sa “The Cosby Show,” ayon sa mga awtoridad; siya ay 54 taong gulang
- Ayon sa pulisya, nalunod si Warner sa Coles Beach sa Cahuita matapos tangayin ng malakas na alon
- Nakilala si Warner bilang si Theo Huxtable at nominado rin siya sa Emmy para sa kaniyang pagganap
- Ang “The Cosby Show” ay isang malaking tagumpay sa telebisyon ngunit nabahiran ng kontrobersiya dahil sa mga kaso laban kay Bill Cosby
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Facebook
Nalunod si US actor Malcolm-Jamal Warner, na gumanap bilang anak sa sikat na sitcom na “The Cosby Show,” sa Costa Rica ayon sa mga awtoridad.
Siya ay 54 taong gulang. Ginampanan ni Warner ang karakter na si Theo Huxtable sa walong season ng palabas na pinangunahan ng disgraced comic actor na si Bill Cosby.
“We received a report of an adult male who died of drowning asphyxiation at Coles Beach in Cahuita,” ayon sa pahayag ng pulisya. “When the victim entered the sea he was apparently pulled out by a current.”
Dagdag pa nila, “The man was assisted by bystanders on the beach, but was pronounced dead by Red Cross lifeguards.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kinilala ng lokal na awtoridad ang aktor at inilipat ang kaniyang katawan sa morgue para sa karagdagang pagsusuri.
Bukod sa “The Cosby Show,” lumabas din si Warner sa sitcoms na “Malcolm & Eddie” at “Reed Between the Lines.”
Tumakbo ang “The Cosby Show” mula 1984 hanggang 1992 at itinuturing na isa sa pinakamalaking TV hits, tampok ang buhay ng isang middle-class Black family sa New York.
Ngunit nabahiran ang reputasyon ng palabas dahil sa mga kasong s*xual assault laban kay Bill Cosby.
Basahin ang artikulo na inilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa malungkot na balita na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Read also
Hindi bababa sa 5 patay sa nasunog na ferry na mahigit 200 sakay, mga pasahero nagtalunan sa dagat
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh