Vice Ganda, ibinahagi ang pagbabago ng pananaw sa uri ng bahay na gusto
- Ibinunyag ni Vice Ganda sa isang panayam na mas nais na niya ngayon ng maliit at simpleng bahay, kumpara sa dati niyang pangarap na malaking tahanan na mala-hotel ang dating
- Ayon sa kanya, nagbago na ang kanyang pananaw sa buhay dulot ng pagtanda at mas malalim na pag-unawa sa tunay na kaligayahan, kaya’t mas pinahahalagahan na niya ngayon ang pagiging payak at praktikal
- Inamin din ni Vice na minsan ay nahihirapan siyang hanapin si Ion Perez sa loob ng kanilang malaking bahay dahil sa dami ng kwarto at lawak ng espasyo, kaya mas gusto niya ng bahay kung saan madalas silang magkasama
- Dagdag pa niya, ang mataas na gastos sa maintenance at pag-aayos ng isang malaki at magarbong tahanan ay isa ring dahilan kung bakit mas pinili niya ang pagbabalik sa basics na pamumuhay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Tahimik at simpleng buhay na ang mas pinipili ni Vice Ganda kaysa sa engrandeng pamumuhay. Sa isang panayam kay MJ Felipe sa TFC show na Are You G?, sinabi ng host ng It’s Showtime na bagamat minsan niyang pinangarap ang manirahan sa isang malaking bahay, mas naaakit na siya ngayon sa mas praktikal na uri ng tirahan.

Source: Instagram
“Nagbago na ‘yung trip ko. Gusto ko ng mas maliit na bahay. Gusto ko na ng mas simple lang. Gusto ko ng kulay puting buhay,” saad ni Vice. Ayon sa kanya, malaking bahagi ng pagbabagong ito ay ang kanyang pagbabago ng pananaw sa buhay, na dala na rin ng pagdaan ng panahon at pagtanda.
Ikinuwento pa ng Unkabogable Star na noong siya ay naghihirap pa, malaki raw ang pangarap niya na magkaroon ng malaking bahay—isa raw itong goal niya mula pagkabata. “Ganun ako dati lalo nung bata pa ako, malala akong mangarap. Malala ‘yung mga goals ko,” kwento niya. Pero nang matupad ang lahat ng iyon, narealize niya na mas masaya pala siya sa simpleng pamumuhay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa pa sa dahilan kung bakit nais na niyang iwan ang malaking bahay ay dahil nahihirapan na raw siyang hanapin si Ion Perez sa dami ng kwarto at kalakihan ng bahay. “Gusto ko ‘yung mas simple, mas nagkikita kami ng mga gusto kong makita sa bahay. Hindi ‘yung ‘pag dalawa lang kami ni Ion hahanapin ko siya,” pagbibiro ni Vice.
Dagdag pa niya, hindi biro ang gastos ng pagme-maintain ng malaking bahay. Maraming kailangang ayusin, at siguradong makaka-relate ang maraming homeowner.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat at pinakamatagumpay na personalidad sa showbiz ngayon. Bukod sa kanyang daily hosting sa It’s Showtime, mayroon siyang mga pelikulang blockbuster, endorsement deals, concerts dito at sa abroad, at isang marangyang lifestyle na bunga ng kanyang pagsusumikap.
Sa kabila nito, tila mas pinipili na ngayon ng komedyante ang tahimik at payak na pamumuhay kasama ang kanyang minamahal na si Ion.
Sa isang episode ng It’s Showtime, naging usap-usapan ang reaksyon ni Vice Ganda sa panayam niya kay Shuvee Fy’ang ng Pinoy Big Brother. Marami ang natuwa sa pagiging prangka at supportive ni Vice sa housemate, na umani ng atensyon sa online community.
Kamakailan, nagpahayag rin si Vice Ganda ng buong suporta para kay Awra Briguela sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap nito. Ayon sa kanya, mahalaga ang pagmamahal at pang-unawa sa gitna ng matinding pagsubok, lalo na sa mga taong malapit sa atin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh