Angelica Panganiban, may nakakaaliw na reaksyon sa Japan pics ni Glaiza de Castro: "Di masakit?"
- Si Glaiza de Castro ay nag-viral kamakailan lang dahil sa kanyang panibagong online post
- Sa Instagram, ibinahagi ni Glaiza na lumipad siya papuntang Japan kasama ang mister niya
- Aniya Glaiza, pumunta sila sa Kawagoe at labis na nag-enjoy sa nasabing city sa Japan
- Ngunit, isa pa sa pumukaw ng atensyon ng marami ay ang reaksyon ni Angelica Panganiban
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Glaiza de Castro, isang Kapuso star, kamakailan lamang ay lumipad patungong Japan para sa isang much-needed na grand vacation kasama ang kanyang asawang si David Rainey.

Source: Instagram
Para sa kanilang napakasayang travel getaway ngayon, pinili ng mag-asawa na bisitahin ang Kawagoe, isang lungsod na matatagpuan sa northwest ng Tokyo na capital naman ng Japan.
Ibinahagi ni Glaiza ang kanilang karanasan sa Instagram, kung saan sinabi niyang unang beses nila ni David na makapunta sa lugar — at tila dinala raw sila nito pabalik sa nakaraan.
"Back in Japan — and exploring Kawagoe for the first time with @david_rainey89. This charming city made us both feel like we stepped back in time," ani ni Glaiza sa kanyang caption sa app.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kitang-kita sa mga larawan na masaya ang mag-asawa habang nage-explore at gumagawa pa ng mga Japanese confections kasama ang iba pa nilang mga kaklase. Ngunit bukod sa mga litratong ipinost ni Glaiza sa Instagram, hindi rin nakaligtas sa mata ng netizens at ng kanyang mga fans at supporters ang nakakatawang reaksyon ni Angelica Panganiban sa comment section.
Biro ni Angelica sa comments, "Ganda totat mo bata ah, di masakit?" — na labis na kinaaliwan ng mga followers dahil sa kilalang pagiging close ng dalawa sa mundo ng local show business.
Marami ang natuwa sa natural na pagiging makulit ni Angelica, at hindi rin naiwasang mapansin ang chemistry at saya ng mag-asawang Glaiza at David habang nagbabakasyon.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Source: Instagram
Si Glaiza de Castro ay isang kilalang aktres at singer sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa palabas na Cool Dudes noong 2001, at nakilala sa kanyang mga roles sa Stairway to Heaven at Grazilda, at kalaunan ay naging si Pirena sa fantasy series na Encantadia. Bukod sa pag-arte, aktibo ring singer si Glaiza. Sa kanyang personal na buhay, si Glaiza ay ikinasal kay David Rainey noong 2021 sa isang Celtic wedding ceremony na ginanap sa Northern Ireland, United Kingdom
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay si Glaiza de Castro ay tila nag-viral dahil sa kanyang panibagong post. Sa Instagram, isinapubliko ni Glaiza ang video nila ng kanyang mister na si David Rainey. Labis namang kinagiliwan ng marami ang ginawa ni Glaiza sa video na ito kasama si hubby. Ngunit, ang nagpa-viral pa sa video ay ang comment ng ibang celebrities.
Samantalang ay ibinahagi ni Glaiza De Castro sa isang. post sa social media ang bagong hobby na sinusubukan niyang matutunan. Sa kanyang post, nagbahagi siya ng ilang larawan na nagpapakita kung ano ang kanyang bagong kinahihiligan. Sa post, makikitang suot ng aktres ang isang outfit na tila pang-equestrian habang inaalagaan ang isang kabayo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh