Sharon Cuneta, binalikan ang pag-interview niya sa 'F4' star na si Vic Chou
- Si Sharon Cuneta ay naging usap-usapan dahil sa kanyang panibagong post
- Sa Instagram, binalikan ni Sharon ang kanyang panayam kay Vic Chou noon
- Ibinahagi rin ni Sharon ang kanyang ibinigay na mga regalo sa Taiwanese star
- Aniya Sharon, sana raw ay makapayanam niya ulit si Vic at ang iba pang 'F4' stars
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Sharon Cuneta, ang nag-iisang Megastar ng bansa, ay muling naging usap-usapan online matapos niyang balikan ang isang espesyal na panayam niya noon kay Vic Chou, ang Taiwanese actor-singer na sumikat sa hit drama na Meteor Garden kasama sina Barbie Hsu at Jerry Yan.
Sa kanyang Instagram page na @reallysharoncuneta, nag-post si Sharon ng isang lumang litrato kasama si Vic Chou, na aniya'y kuha noong bandang 2003 o 2004, sa isang interview sa ABS-CBN.

Source: Instagram
"When I interviewed @vic.chou_official in ABS-CBN, in I think 2003 or 2004? His favorite actor, he said, was superstar @andylauox Andy Lau," pagbabalik-tanaw ni Sharon sa kanyang caption.
Ibinahagi rin ng Megastar ang kanyang naging sweet gesture at gifts matapos malaman ang paboritong aktor ni Vic. Ayon sa kanya, ilang taon bago ang interview, nakatrabaho niya pala ang nag-iisang Andy Lau sa isang duet at music video na kanilang ginawa sa Hong Kong noon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"I had just recorded a duet and shot a music video with Andy in HK a couple of years before I met Vic Chou, so I gave him my CD which included my duet with Andy and a VCD with our music video!" masayang ibinahagi ni Sharon sa kanyang viral post sa nasabing photo-sharing app.
Hindi roon natapos ang kanyang pagiging generous. Nagbigay rin umano si Sharon ng DVD ng kanyang pelikula, na pinagbidahan niya kasama si Aga Muhlach, na may English subtitles.
"I also gave him a DVD of my movie with Aga Muhlach, 'Kung Ako Na Lang Sana' with English subtitles! I had a wonderful time interviewing Vic and hope I get to interview the others too, and Vic again — if I have to fly to Taiwan, I'll do so in a heartbeat!" aniya Megastar sa kanyang post.
Matatandaang bahagi si Vic ng iconic Taiwanese group na F4, na bumida sa Meteor Garden noong 2001 — ang Taiwanese adaptation ng sikat na Japanese manga na Hana Yori Dango. Ginampanan niya ang papel ni Hua Ze Lei, na naging paboritong karakter ng maraming Pinoy fans noon.
Muli, pinatunayan ni Sharon Cuneta na bukod sa pagiging Megastar, isa rin siyang tunay na fan na marunong magpahalaga sa mga alaala at koneksyon sa mga kapwa artista sa buong mundo.
Si Sharon Cuneta ay isang aktres at singer sa Pilipinas na kilala bilang 'Megastar' sa industriya. Sinimulan niya ang kanyang karera sa murang edad, at agad na sumikat sa kanyang awiting Mr. DJ noong dekada 70. Mula noon, sunod-sunod ang kanyang tagumpay sa pelikula, telebisyon, at musika at nagwagi siya ng maraming parangal sa larangan ng entertainment sa bansa. Ilan sa kanyang mga iconic na pelikula ay Bituing Walang Ningning, Madrasta, at Caregiver. Sa personal niyang buhay, siya ay asawa ni Francis 'Kiko' Pangilinan at ina ng aktres na si KC Concepcion.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay na-interview kamakailan lang ni Rico Hizon si Sharon Cuneta. Dito ay naitanong si Megastar Sharon kung kamusta na si KC Concepcion. Aniya Sharon, tahimik daw na nakatutok sa business ang panganay niya. Bukod pa rito ay nag-open up din si Megastar tungkol sa mga naging ups and downs nila.
Samantalang ay naging usap-usapan si Sharon Cuneta dahil sa kanyang online post. Kamakailan ay nag-post kasi si Megastar tungkol sa pag-withdraw niya ng kaso. Matatandaang ibinalita ni Ogie Diaz na winithdraw na ni Sharon ang kaso laban kay Cristy Fermin. Kasunod nito ay isang post na nagpaantig sa puso ng mga netizens.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh