Yamyam Gucong, kahanga-hangang napalago ang napanalunan sa PBB
- Sa kanyang show na Think Talk Tea, kinumusta ng YouTube talk show host na si Kring Kim ang PBB Otso winner na si Yamyam Gucong.
- Doon, nausisa niya si Yamyam kung saan nito nailaan ang perang napanalunan sa PBB
- Nabanggit ni Yamyam na bukod sa lupain, naipundar din niya sa negosyo
- Kaya naman labis na humanga sa kanya si Kring dahil bihira umano ang mga taong napagyayaman talaga ang biyayang natatamasa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang episode ng YouTube talk show na Think Talk Tea, kinumusta ng host na si Kring Kim ang Pinoy Big Brother: Otso grand winner na si Yamyam Gucong. Dito, inusisa ni Kring kung saan niya inilaan ang premyong kanyang napanalunan matapos manalo sa reality show.

Source: Facebook
Ikinuwento ni Yamyam na hindi lamang lupa kundi pati negosyo ang kanyang naipundar mula sa kanyang tagumpay.
“Bumili ako ng three hectares na lupa. Nasa Bukid siya… Tinataniman. Nakapundar saka may bakeshop ako. Yamito’s Bakeshop,” ani Yamyam.
Matatagpuan ang Yamito’s Bakeshop sa kanyang probinsya sa Bohol. Dagdag pa niya, kasalukuyan siyang nasa Cebu ngunit madalas pa ring umuwi upang asikasuhin ang mga proyekto.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Gumagawa kasi ako ng production film company pero Visayas-based siya,” sabi pa ni Yamyam.
Labis ang paghanga ni Kring Kim kay Yamyam dahil sa husay nitong gamitin ang kanyang napanalunan para makapagpatayo ng mga negosyong pangmatagalan.
Aniya, bihira ang mga taong tunay na napagyayaman at napapahalagahan ang mga biyayang natatanggap nila, kaya’t kahanga-hanga ang diskarte at sipag ni Yamyam.
Bukod dito, naikwento rin ni Yamyam na ang mga regalo sa kanya ng mga fans ay naipamahagi niya sa iba ang ilan sa dami. Nilarawan niya na halos mapuno ang isang kwarto sa dami ng natanggap sa mga supporters niya.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Think Talk Tea YouTube channel:
Si Yamyam Gucong ay isang Pilipinong personalidad sa telebisyon at negosyante na nakilala bilang Pinoy Big Brother: Otso grand winner noong 2019. Tubong Bohol, kilala siya sa kanyang kwelang personalidad, positibong pananaw sa buhay, at sa kwento niyang “from rags to riches.” Bago sumali sa PBB, namasukan siya bilang construction worker, kargador, at iba pang trabaho para makatulong sa pamilya. Sa loob ng Bahay ni Kuya, minahal siya ng mga manonood dahil sa kanyang kababaang-loob, sipag, at tapat na ugali.
Matapos manalo at makuha ang premyong milyon-milyon, hindi niya sinayang ang pagkakataon at ininvest ang kanyang pera sa lupa at negosyo. Nabili niya ang tatlong ektaryang lupain sa bukid at nagtayo rin siya ng sariling bakeshop na tinawag niyang Yamito’s Bakeshop sa Bohol. Maliban dito, abala rin siya ngayon sa paggawa ng isang Visayas-based production film company, na patunay sa kanyang pagiging madiskarte at mapangarap.
Samantala, pinag-uusapan din ngayon ang isa pang PBB grand winner na si Fyang Smith dahil 'di umano sa mga gawi at akto nito sa publiko. Matatandaang maging si Ogie Diaz ay nagpayo kay Fyang. "Hindi porque tayo yung big winner, tayo yung pinakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya. Wala namang problema sa pagpapakatotoo pero syempre lahat ng sobra nakakasama. So, sumusobra kang nagpapakatotoo, matatalo ka rito. Kasi ija-judge ka nang ija-judge ng mga tao,"ang bahagi ng naging komento ni Ogie kay Fyang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh