Katrina Halili, ibinida ang pagkikita nila ng kanyang "batchmate" na si Jennylyn Mercado

Katrina Halili, ibinida ang pagkikita nila ng kanyang "batchmate" na si Jennylyn Mercado

  • Ibinida ni Katrina Halili ang picture nila ng kanyang ka-batchmate na si Jennylyn Mercado
  • Sa kanyang post, makikita ang gaano niya ka-miss ang kapwa Kapuso actress
  • Nagbigay komento rin si Jennylyn sa naturang post ni Katrina
  • Sa ngayon, bukod sa pagiging aktibo pa rin sa showbiz, hinahangaan si Katrina sa pagiging hands-on mom nito sa anak na si Katie

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Katrina Halili, ibinida ang pagkikita nila ng kanyang "batchmate" na si Jennylyn Mercado
Katrina Halili, ibinida ang pagkikita nila ng kanyang "batchmate" na si Jennylyn Mercado
Source: Facebook

Ibinahagi ni Katrina Halili sa isang post ang kanyang kasiyahan matapos silang magkita muli ni Jennylyn Mercado matapos ang matagal na panahon. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Katrina:

"Sa wakas nakita na tayo Jennylyn Mercado-Ho. Buti at malapit ang taping niyo sa bahay. Na-miss kita. Catch up soon batch mate."

Parehong nagmula sina Jennylyn at Katrina sa unang batch ng talent search na StarStruck ng GMA noong 2003, kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at karera sa showbiz.

Marami ang natuwa at naaliw sa kanilang palitan ng komento at mensahe, at nagpaabot ng pagbati ang mga tagahanga na na-miss rin ang samahan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang parehong naging matagumpay ang kanilang mga karera mula nang manalo si Jennylyn bilang Ultimate Female Survivor at maging finalist naman si Katrina na kilala ngayon bilang isa sa mga pinakamahuhusay na kontrabida sa telebisyon.

Hindi pa malinaw kung may plano silang magsama sa isang proyekto, ngunit tiniyak nila sa kanilang mga tagahanga na magka-catch up sila sa lalong madaling panahon.

Si Maria Katrina Iren Pe Halili, (Katrina Halili) ay ipinanganak noong Enero 4, 1986 sa Quezon City, ay unang nakilala bilang finalist sa unang season ng StarStruck (2003) ng GMA Network. Mula noon, hindi na siya nawala sa spotlight. Umangat ang kanyang karera bilang isang epektibong kontrabida sa mga kilalang teleserye gaya ng Darna (2005 & 2009), Majika (2006), Marimar (2007), at Magdusa Ka (2008), kung saan nakatanggap siya ng nominasyon mula sa International Emmy Awards. Sa kabila ng tagumpay sa karera, dumaan rin siya sa personal na pagsubok. Siya’y isang mapagmahal na ina sa kanyang anak na babae at kasalukuyang co-parent ni Kris Lawrence. Noong Enero 2024, namaalam ang kanyang non-showbiz partner, na dating vice mayor, dahil sa atake sa puso.

Sa pinakabagong vlog ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi, naging bisita niya ang mag-inang Katrina Halili at ang anak nitong si Katie. Tila naging instant bonding moment ang kanilang pagsasama sa vlog na pinamagatang “Can’t Say No Challenge with Katie”, kung saan hindi maaaring tumanggi si Ivana sa kahit anong hiling ng anak ng Kapuso actress.

Unang humiling si Katie na mamili sa isang toy store, na agad namang sinang-ayunan ni Ivana. Sa gitna ng pamimili, namangha si Ivana sa disiplina at pag-uugali ni Katie, lalo na’t hindi basta-basta ito humihingi—ipinagpapaalam muna sa kanyang ina ang mga laruan bago ilagay sa kanyang shopping cart. Umabot sa tumataginting na Php64,000 ang kabuuang halaga ng pinamili ni Ivana sa mga laruan ni Katie.

Hindi pa doon natapos ang sorpresa, dahil nag-request pa si Katie ng bagong iPhone, na agad ding pinagbigyan ni Ivana. Bagamat may kamahalan ito, kapansin-pansin ang kasiyahan sa mukha ng bata, bagay na labis na ikinatuwa ng ina gayundin ng kanyang "Tita Ivana".

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica