Awra Briguela, may nilinaw: "I don’t’ support hate or bashing at all"

Awra Briguela, may nilinaw: "I don’t’ support hate or bashing at all"

  • Nag-reach si Awra Briguela kay Ogie Diaz tungkol umano sa isyu nila ni Sir Jack Argota
  • Nilinaw ni Awra ang tungkol sa kumakalat umanong reaksyon niya sa naging komento sa kanya ni Sir Jack
  • Nagpadala rin ng ebidensya si Awra na kailanman ay hindi niya kinunsinte ang "hate at bashing"
  • Matatandaang kamakailan lang at nakatapos na ng high school si Awra at isa sa mga pinag-alayan niya ng kanyang tagumpay ay ang kanyang Meme Vice Ganda

Nag-reach out ang aktres at social media personality na si Awra Briguela kay Ogie Diaz upang linawin ang kumakalat na isyu tungkol sa umano’y sagutan niya kay Sir Jack sa Facebook.

Awra Briguela, may nilinaw: "I don’t’ support hate or bashing at all"
Awra Briguela, may nilinaw: "I don’t’ support hate or bashing at all"
Source: Facebook

Sa kanyang pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nasabing nagpadala si Awra ng mensahe kay Oge. Aniya hindi siya ang nasa likod ng Facebook page na nagpapakalat ng mga sagot o pahayag laban kay Sir Jack at sa kanyang mga tagasuporta.

Nagpadala si Awra ng mensahe kay Ogie kung saan sinabi niya, “Hi Mama Ogie, hindi ko po pinatulan at never po akong pumatol. ‘Yung Facebook page po na ‘yon ay hindi sa’kin. At fan page po ‘yun. Thank you po.”

Bilang patunay, ibinahagi rin ni Awra ang ilan sa mga sagot niya sa mga taong nagme-message sa kanya tungkol sa kontrobersya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa isa sa kanyang mensahe, “Hi, good morning! Just to clear things up, I don’t have an official Facebook account. The page you’re seeing is run by a fan I don’t personally know. And to be honest, it’s already stated there that it’s just a fan page so I think that should explain it.”

Dagdag pa niya, hindi siya sumusuporta sa anumang uri ng poot o pangba-bash. “I don’t support hate or bashing at all. But real talk, respect is earned not forced. Some people keep throwing stuff at me and saying things so naturally, the fan handling that page is just reflecting the same energy back. Thank you po,” paliwanag niya.

Sa huli, nilinaw ni Awra na walang opisyal na Facebook account at hindi niya kontrolado ang mga post mula sa mga fan page. Patuloy siyang nananawagan ng respeto at mahinahong pakikipag-usap kahit sa gitna ng isyu.

Si Awra Briguela, tunay na pangalan McNeal Briguela (ipinanganak Marso 26, 2004 sa Las Piñas, Metro Manila), ay isang Filipino aktor, komedyante, mananayaw, at mang-aawit. Nakilala siya bilang batang karakter na si “MakMak” sa hit teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano (2016–2019), kung saan siya mismo ang pinili ni Coco Martin para sa nasabing karakter. Dito niya ipinakita ang kanyang galing sa pag-arte at nagwagi rin siya ng Best Child Performer sa award-giving bodies tulad ng PMPC Star Awards at Aral Parangal

Kamakailan, umugong ang pangalan ni Awra nang magkomento si Sir Jack Argota, isang social media personality, sa isang viral post mula sa ABS‑CBN News na nagpapahayag ng pagtatapos ni Awra Briguela sa senior high school. Sa caption na iyon, ginamit ang feminine pronoun na “her” para kay Awra. Ngunit sa kanyang sariling Facebook reshared post, isinulat niya: “Anong her? Goodluck bro!”

Matatandaang nagtapos si Awra ng senior high school kung saan isa ang kanyang Meme Vice Ganda sa pinag-alayan niya ng kanyang tagumpay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica