Carla Abellana, diretsahang sinagot ang "may career pa pala ito" na comment ng netizen
- Si Carla Abellana, isang Kapuso, ay nag-viral kamakailan lang dahil sa kanyang reaksyon
- Nag-react kasi ang isang basher tungkol sa pag-call out ni Carla tungkol sa "corruption"
- Hindi naman pinalampas ni Carla ang comment na ito ng netizen at agad na sumagot sa app
- Dahil dito, maraming netizens ang agad na dumipensa kay Carla at sa pag-call out niya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Carla Abellana, isang Kapuso actress na kilala hindi lang sa kanyang talento kundi pati na rin sa kanyang pagiging outspoken sa mga iba't ibang isyu, ay muling naging sentro ng atensyon online matapos niyang diretsahang sagutin ang isang netizen na may tila snarky na comment.

Source: Instagram
Sa isang post mula sa Inquirer, ibinahagi nila ang info card mula sa kanilang article tungkol sa sikat na Kapuso star: "Carla Abellana has taken to social media to express her frustration over what she claims is 'blatant corruption' in the property tax declaration process in the Philippines."
Dahil dito, may isang netizen ang nagkomento ng, "May career pa pala ito?" — isang pasaring na agad sinagot ni Carla ng maiksi ngunit matapang na, "Aba, syempre naman" sa Instagram.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang kanyang sagot ay agad na sinundan ng suporta mula sa iba't ibang netizens na agad din namang dumepensa sa aktres. Ilan sa mga naging komento sa nasabing photo-sharing app ay:
"Yaass queen! Clocked the basher!"
"Go Carla! And she's a stray lover too!"
"The Patron Saint of Citizen Complaints."
"Grabe nga naman kung lahat na lang eh tina-tax-an."
"At least si Ma'am Carla may effort to raise concerns."
Bukod sa pagiging active sa showbiz, hinahangaan din si Carla sa kanyang mga advocacies. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nang-call out ang aktres gamit ang social media accounts niya. Dahil dito ay madalas siyang purihin ng kanyang mga fans sa iba't ibang social media platforms.

Source: Instagram
Si Carla Abellana ay isang Filipina actress at model na kilala sa mga proyekto niya sa GMA. Nagmula siya sa isang pamilyang malalim ang ugat sa industriya ng showbiz — ang kanyang ama ay ang beteranong aktor na si Rey "PJ" Abellana. Noong 2021, ikinasal si Carla kay Tom Rodriguez, ngunit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama at nauwi ito sa hiwalayan makalipas lamang ang isang taon. Sa kabila nito, nananatiling aktibo si Carla sa showbiz at patuloy na hinahangaan sa kanyang husay sa pag-arte at adbokasiya, lalo na pagdating animal welfare.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Carla Abellana dahil sa reaksyon niya sa isang social media post tungkol sa epekto ng abusive relationship sa isang aso. Dahil dito ay ibinahagi rin ng aktres ang sariling karanasan niya sa dating relasyon. Ayon sa aktres, ang kanyang mga alagang aso ay dumaan din sa takot at trauma noon.
Samantalang naglabas ng opisyal na pahayag ang PrimeWater kaugnay sa reklamo ni Carla Abellana ukol sa water billing at serbisyo nila sa Tagaytay. Ayon sa PrimeWater, aktibo pa rin umano ang account ni Carla at kaya't may minimum na bill kada buwan. Matapang namang kinuwestiyon ni Carla ang mga detalye ng pahayag.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh