Sarah Geronimo, napagkamalang may dalang alak sa Billie Eilish concert sa London
- Nanood sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng Billie Eilish concert sa O2 Arena sa London
- Muntik nang hindi makapasok si Sarah matapos mapagkamalan ng security na alak ang bitbit niyang alcohol
- Ipinaliwanag ni Matteo na hand sanitizer lamang ang laman ng lalagyan kaya pinayagan silang makapasok
- Pinuri ng netizens ang pagiging simple at humble ni Sarah kahit isa siyang malaking artista sa Pilipinas
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang nakakatuwang aberya ang naranasan ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo habang pumapasok sa Billie Eilish concert sa London kasama ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli. Sa Instagram Reel ni Matteo na in-upload noong July 15, 2025, ibinahagi nito ang kanilang karanasan habang pumipila sa Hit Me Hard and Soft Tour ni Billie sa O2 Arena.

Source: Facebook
Sa video, makikita ang couple na payapang nakapila nang inspeksyunin ang bag ni Sarah ng isang security guard. Tinanong kung ano ang laman ng maliit na green container ni Sarah, at simple lang ang sagot ng singer: "Alcohol." Agad sumabat ang guwardiya, "It's not allowed in there," na agad ding tinapatan ni Matteo ng malinaw na paliwanag: "Hand sanitizer."
Sa huli, pinayagan silang makapasok matapos mapatunayan na hindi alak kundi regular na rubbing alcohol lang ang dala ni Sarah. Natawa na lamang ang singer at ikinuwento ng mister sa caption: âAlmost got in trouble for bringing in âalcohol.â Relax, it was just Green Cross.â Dagdag pa ni Matteo, sulit na sulit daw ang paglipad nila mula Pilipinas patungong UK para mapanood si Billie nang live.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod sa aberya, todo puri rin si Matteo kay Billie Eilish. Aniya, âShe owned that stage. Commanding, electric, and totally in control.â Sa huli, binanggit pa niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng collaboration si Sarah at Billie Eilishâna kung matutuloy, tiyak na ikatutuwa ng mga fans worldwide.
Agad na bumuhos ang comments mula sa netizens sa Instagram post ni Matteo. Marami ang humanga sa pagiging down-to-earth ni Sarah. May nagsabing, âShe can also make that stadium full!â habang ang isa ay nagpahayag ng paghanga: âImagining our very own superstar from the Philippines is watching a concert like most of us, no VIP treatment... so simple and very humble people.â
Si Sarah Geronimo ay isa sa pinakakilalang pangalan sa larangan ng musika at showbiz sa Pilipinas. Nakilala siya bilang âPopstar Royaltyâ matapos ang sunod-sunod na tagumpay sa albums, sold-out concerts, TV shows, at pelikula. Sa kabila ng kanyang kasikatan, madalas siyang pinupuri ng fans dahil sa kanyang pagiging simple at walang ere, gaya ng nakita sa karanasan niya sa concert ni Billie.
Bago ang kanilang London trip, ibinahagi ni Matteo ang masayang moments nila ni Sarah habang nagbabakasyon sa Japan. Sa video, makikita ang sweet bonding ng mag-asawa habang namamasyal sa mga kilalang spots at nag-eenjoy sa simpleng moments.
Nag-viral kamakailan ang video ni Sarah na nag-perform kasama ang SB19 member na si Stell. Pinuri ng fans ang kanilang powerful performance, na nagpapakitang kaya pa rin ni Sarah makipagsabayan sa bagong henerasyon ng performers.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo âĄď¸ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh