Kris Aquino, hindi “cancer-free” dahil wala naman siyang cancer ayon kay Dindo Balares

Kris Aquino, hindi “cancer-free” dahil wala naman siyang cancer ayon kay Dindo Balares

  • Nilinaw ni Dindo Balares na hindi “cancer-free” si Kris Aquino dahil kailanman ay wala siyang cancer
  • Inilahad ng mamamahayag ang patuloy na laban ni Kris sa kanyang autoimmune diseases
  • Ayon sa kanya, unti-unti na ring nakakabawi ang kalagayan ng Queen of All Media
  • Nagbahagi rin siya ng litrato ni Kris bilang patunay ng kanyang tunay na kalagayan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nilinaw ng mamamahayag na si Dindo Balares ang mga lumalaganap na maling impormasyon na “cancer-free” na umano si Kris Aquino. Sa kanyang Instagram post na pinamagatang “LOVE NOURISHES AND HEALS,” itinuwid niya ang tsismis at iginiit na kailanman ay hindi nagkaroon ng cancer ang kanyang kaibigan.

Kris Aquino, hindi “cancer-free” dahil wala naman siyang cancer ayon kay Dindo Balares
Kris Aquino, hindi “cancer-free” dahil wala naman siyang cancer ayon kay Dindo Balares (📷@krisaquino/IG)
Source: Instagram

Ang sakit na kinahaharap ni Kris ay mga autoimmune diseases, bagay na matagal na niyang isiniwalat sa publiko. Ayon kay Balares, misleading ang mga post na nagsasabing wala na si Kris sa panganib ng cancer, dahil hindi ito kailanman naging bahagi ng kanyang medical condition.

Kasabay nito, nagbahagi si Dindo ng isang larawan ni Kris na kuha umano ng kaibigang si Ms. Jing tatlong linggo na ang nakalilipas sa isang private resort. Aniya, totoo ang larawan at hindi ito edited, taliwas sa mga sinasabing “photoshopped” ito upang pagandahin ang imahe ni Kris.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa nasabing post, isinalarawan niya ang matinding paghihirap ni Kris sa kanyang araw-araw na buhay, kabilang na ang pagbangon, paglalakad, at kahit pagpunta sa banyo—mga bagay na tila maliit sa karaniwang tao pero labis ang epekto sa isang may autoimmune disease.

Ayon sa kanya, “Maraming beses na siyang bumagsak sa sahig at sa loob ng banyo,” dahil inaakala ni Kris na kaya na niya ngunit hindi pa pala. Sa kabila ng mga pagsubok, nagiging positibo ang mga senyales ng paggaling ni Kris. Mula sa pinakamababang timbang na 82 pounds nitong Enero, umangat na ito sa 112 pounds. Bagama’t payat pa rin ang kanyang mga braso at bahagi ng binti, malaking hakbang na ito patungo sa mas maayos na kalagayan.

Napansin din ni Dindo na may “regeneration” na sa balat ni Kris—isang indikasyong maaring may positibong nangyayari rin sa loob ng kanyang katawan. Inilahad niya na nakatulong ang desisyon ni Kris na pansamantalang manirahan malayo sa siyudad at manatili sa tabing-dagat para makalanghap ng sariwang hangin. Aniya, bagama’t mabagal ang resulta, mahalaga ang bawat hakbang na kanyang tinatahak.

Si Kris Aquino ay kilalang media personality, aktres, host, at tinaguriang Queen of All Media sa Pilipinas. Matagal na siyang hindi aktibo sa telebisyon dahil sa kanyang matinding pakikipaglaban sa iba’t ibang autoimmune diseases. Sa kabila ng kanyang estado sa kalusugan, patuloy ang kanyang komunikasyon sa publiko sa pamamagitan ng social media, kadalasan ay sa tulong ng malalapit niyang kaibigan o pamilya. Isa sa mga ito ay ang mamamahayag na si Dindo Balares na patuloy na nagbibigay ng updates ukol sa kalagayan ng aktres.

Sa isang naunang ulat ng Kami, ibinahagi ni Mama Loi ang paalala sa publiko na maging mapanuri sa mga balitang lumalabas tungkol kay Kris Aquino. Ayon sa kanya, marami raw kumakalat na pekeng balita at clickbait tungkol sa kalagayan ni Kris, at mas mainam na hintayin ang update mula sa mga tunay na malapit sa aktres.

Kamakailan lamang ay naiulat din ng Kami na unti-unting lumalakas si Kris Aquino habang nagpapatuloy sa kanyang gamutan. Bagamat nananatili pa rin ang mga sintomas ng kanyang autoimmune illnesses, may mga positibong pagbabago na rin sa kanyang kalagayan. Ayon sa balita, nananatili ang determinasyon ni Kris na gumaling para sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate