Melai Cantiveros, naloka sa dami ng sumalubong sa kanya sa mall: "Sana di kayo na-discourage"

Melai Cantiveros, naloka sa dami ng sumalubong sa kanya sa mall: "Sana di kayo na-discourage"

  • Si Melai Cantiveros ay labis na nagulat sa dami ng taong pumunta sa mall para sa kanya
  • Kamakailan ay nag-tour kasi si Melai sa Dumaguete para sa Season 3 ng 'Kuan on One'
  • Dito ay nabigla talaga si Momshie Melai sa dami ng dumagsa sa kanyang mall tour
  • Aniya Melai, sana nga raw ay hindi na-discourage ang marami nang makita siya sa personal

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Melai Cantiveros, isang Kapamilya actress at TV host, ay hindi naitago ang kanyang pagkabigla at labis na tuwa matapos makita ang mga taong dumagsa sa mall para lamang makita siya.

Noong Wednesday, July 16, nagbahagi si Melai ng isang video sa kanyang Instagram kung saan makikitang tila hindi siya talaga makapaniwala sa dami ng mga sumalubong sa kanya sa mall.

Melai Cantiveros, naloka sa dami ng sumalubong sa kanya sa mall: "Sana di kayo na-discourage"
Melai Cantiveros, naloka sa dami ng sumalubong sa kanya sa mall: "Sana di kayo na-discourage" (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Bilang isa sa mga approachable na artista, si Melai ay namataang binabati ang lahat ng tao habang labis na nakangiti, at bukod pa rito ay nakikipagkamay pa nga sa kanyang mga fans.

Nagbigay aliw din siya sa mga netizens nang magpakita siya ng kaunting snippet ng kanyang nakakatawang rendition ng kantang '…Baby One More Time' ng singer at 'Princess of Pop' na si Britney Spears — isa sa mga iconic na performances na tumatak sa kanyang mga tagahanga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit bukod sa kanyang pagpapatawa, mas lalo pang hinangaan ng maraming netizens ang kanyang pagiging humble matapos niyang magbahagi ng mensahe sa kanyang caption:

"Dumagueteeee, grabe kayo magmahal. Thank you so much, di ko in-expect ang inyong crowd gyud ay. Ang crowd niyo ang isa sa Highlights ng MelaiVerse Tour the Kuan On One 3 Promo."

Hindi rin napigilang ibahagi ni Melai kung paanong pinag-uusapan pa rin nila ng kanyang asawa na si Jason Francisco ang mainit na pagtanggap ng mga taga-Dumaguete sa kanila nitong taon:

"Hanggang ngayon, pinag-uusapan nmin ni papang, akala mo talaga parang ang gawagwapo and gaganda namin para puntahan niyo, sana di kayo na-discourage nang nakita kami sa personal."

Ang nasabing pagtitipon ay bahagi ng The Kuan On One 3 Promo Tour, at malinaw na isa itong tagumpay — hindi lamang sa dami ng tao, kundi sa taos-pusong pagmamahal na ibinuhos ng mga taga-suporta niya, di lamang para kay Melai mismo, kundi pati na rin sa kanyang online show

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Melai Cantiveros ay isang sikat na Filipina actress, TV host, at comedian. Sumikat siya noong 2009 matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Double Up. Ang kanyang nakakaaliw na personalidad, kakayahang magpatawa, at natural na karisma ang dahilan kung bakit siya naging paborito ng mga manonood habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pagkatapos niyang manalo, pumasok si Melai sa showbiz kung saan siya naging matagumpay bilang komedyante at TV host. Sa kanyang personal naman na buhay ay pinakasalan niya si Jason Francisco. Kilala silang mag-asawa bilang 'MelaSon' sa mundo ng lokal na showbiz at sila ay may dalawang anak na babae.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Melai Cantiveros dahil sa kanyang post. Sa Instagram, ibinahagi ni Melai na kinailangan niyang pumunta sa Cebu para sa trabaho. Ngunit, imbis na eroplano ang kanyang mode of transpo, mas pinili ni Melai ang mag-barko. Aniya Melai, takot daw kasi siya talagang mag-eroplano, ngunit kailangan niyang mag-work pa rin.

Samantalang muling nagpasaya si Melai Cantiveros ng mga netizens sa social media dahil sa kanyang rant umano. Kamakailan ay nag-post si Bianca Gonzalez ng picture ng kanilang tradition sa 'PBB.' Ngunit may napansin ang iba sa mga pictures na ipinost ni Bianca sa Instagram niya. Sa nasabing picture, makikita kasi ang interaction nina Melai at Robi Domingo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco