Yilmaz Bektas, napatanong dahil sa comment na iniwan ni Ruffa Gutierrez sa kanyang post

Yilmaz Bektas, napatanong dahil sa comment na iniwan ni Ruffa Gutierrez sa kanyang post

  • Muling umingay ang pangalan ni Ruffa Gutierrez sa social media dahil sa kanyang comment
  • Kamakailan lang ay nag-post kasi si Yilmaz ng ilang picture mula sa kanyang bakasyon
  • Tila napansin naman ito ng aktres na napa-comment sa picture ng kanyang dating mister
  • Kalaunan ay napa-comment na rin si Yilmaz sa post na ito ni Ruffa na naging viral online

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Ruffa Gutierrez, isang aktres at dating beauty queen, ay muling umingay ang pangalan sa social media dahil sa online interaction nila ng dating asawang si Yilmaz Bektas sa post ng huli.

Yilmaz Bektas, napatanong dahil sa comment na iniwan ni Ruffa Gutierrez sa kanyang post
Photos: @iloveruffag @yilmazbktas on Instagram
Source: Instagram

Kamakailan ay nag-post kasi si Yilmaz sa kanyang opisyal na Instagram account ng mga larawang kuha mula sa kanyang bakasyon na may caption na, "2025 Summer Vacation."

Ngunit higit pa sa mga larawan, mas naging usap-usapan ang reaksyon ni Ruffa sa naturang post — nag-iwan kasi ang aktres ng tatlong fire emojis sa comment section ng post na ito ni Yilmaz.

Hindi naman ito pinalampas ni Yilmaz, na agad ding sumagot sa komento ni Ruffa. "Why are you still following my pictures? Thank you for liking it," ani Yilmaz sa kanyang reply sa aktres.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad ding nag-viral ang palitan na muling naging sentro ng diskusyon ng ilang mga netizens.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging laman ng balita ang dalawa dahil sa kanilang palitan online. Noong August 2024, naging usap-usapan din sila matapos mapansin ni Yilmaz ang pagbisita ni Ruffa sa Toronto, Canada — isang simpleng interaction na nauwi rin sa usapin.

Sa kabila ng kanilang hiwalayan noong 2007, patuloy pa rin ang atensyon ng publiko sa ugnayan nina Ruffa at Yilmaz. Gayunpaman, marami naman ang humahanga sa dalawang personalities dahil sa kanilang current setup sa kanilang mga magagandang anak na sina Lorin at Venice.

Yilmaz Bektas, napatanong dahil sa comment na iniwan ni Ruffa Gutierrez sa kanyang post
Screenshot mula sa Instagram ni @yilmazbktas via Fashion Pulis
Source: Instagram

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, hinirang siyang Binibining Pilipinas at naging Second Runner-Up sa Miss World sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, may dalawang anak na babae si Ruffa — sina Lorin at Venice — sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, itinuloy niya ang kanyang edukasyon sa Philippine Women's University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Ruffa Gutierrez ng isang tribute sa Instagram para kay Alexa Gutierrez, na pumanaw sa edad na 38 matapos ang pakikipaglaban sa leukemia. Ibinahagi ng aktres ang ilang larawan at ipinahayag ang matinding lungkot na nadarama, at sinabing hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Alexa sa kanilang piling ngayon.

Samantalang noong June ay labis na naantig si Ruffa Gutierrez sa social media. Hinonor kasi siya ng isa sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz na si Mariel Padilla sa Instagram. Sa post ni Mariel, nagbahagi siya ng ilang larawan mula sa selebrasyon ng kaarawan ni Ruffa. Kalakip nito ang isang caption na labis na nagpaantig sa puso ni Ruffa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco