Jessy Mendiola, natanong tungkol sa fake news na gusto niyang linawin: "Na third party ako"
- Si Jessy Mendiola ay muling naging usap-usapan dahil sa kanyang bagong interview
- Kamakailan lang ay ininterview kasi si Jessy ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel
- Dito ay natanong ni Ogie si Jessy sa kung anong "fake news" ang gusto niyang linawin
- Nabanggit tuloy ni Jessy ang isyung "third party" niya noon sa nasabing interview
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Jessy Mendiola, isang aktres at kilalang celebrity mom, ay muling naging usap-usapan matapos ang kanyang matapat at emosyonal na panayam sa YouTube channel ni Ogie Diaz.

Source: Youtube
Sa interview, tinanong siya ni Ogie kung anong "fake news" ang gusto niyang linawin kung mabigyan siya ng chance. "Anong fake news ang... yung napaniwala ang mga tao pero fake news? Pero gusto mong linawin," tanong ni Ogie na diretsahang sinagot ni Jessy, "Na third party ako."
Bagamat una'y tila umiwas si Jessy sa pag-elaborate at nagbiro pa tungkol sa painting sa likod ni Ogie, na naging dahilan ng tawanan nila, kalaunan ay seryosong sinagot din niya ang tanong.
"Hindi, ayoko kasi ring maungkat pa kasi alam naman natin na hindi totoo at kumbaga, masaya na tayong lahat. Pero yun lang yung ano... yung fake news na yun. Kasi sinagot ko na rin yun before eh, but the sad thing about that also was kahit sinagot ko na siya nang paulit-ulit before at the height of that issue, hindi ako pinapaniwalaan ng mga tao," paliwanag ni Jessy kay Ogie.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin ng aktres kung gaano kahirap ang sitwasyon niya noon, lalo na kapag hindi naniniwala ang publiko sa kanya. "Ang hirap din kasi kahit ano pang sabihin mo, kung ano ang tingin ng tao na ay tama para sa kanila at totoo para sa kanila, yun ang papaniwalaan nila. Kahit ano pang pangkukumbinsi ang gawin mo, kahit yun naman talaga yung totoo," aniya Jessy.
Sa huli, inamin ni Jessy na napilitan na lamang siyang bitiwan ang isyu at ipaubaya ito sa Diyos, "Ni-let go ko na rin yun. Sabi ko nga kay Lord nun, 'Sige, Lord, sabihin lang nila kahit anong gusto nilang sabihin tungkol sakin. Basta alam ko, ire-reward mo rin ako when the right time comes.' So true enough, nagkaroon ako ng magandang pamilya and masaya na ako ngayon," sabi pa niya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Jessy Mendiola ay isang sikat na Filipina aktres. Noong 2007, opisyal siyang inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 ng ABS-CBN. Sa sumunod na mga taon, gumanap siya sa ilang mga supporting role sa serye at kalaunan ay bumida na rin sa ilang hit series tulad ng Budoy, Paraiso, at Maria Mercedes. Bukod sa kanyang mga tungkulin sa telebisyon, nagkaroon din siya ng ilang pagganap sa pelikula. Sa kanyang personal na buhay naman ay kasal siya kay Luis Manzano at sila ay may isang anak na nagngangalang Isabella Rose, na tinatawag din nilang Rosie o Peanut.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Jessy Mendiola ng isang tribute para sa ABS-CBN Tower habang ito'y naghahanda para sa demolisyon. Inilarawan ng aktres ang tower bilang isang simbolo ng mga pangarap, pag-asa, at pamilya sa loob ng mahigit isang dekada niyang karera sa network. Binalikan din ni Jessy ang mga unang araw niya bilang artista noon.
Samantalang noong June ay nag-viral naman sina Jessy Mendiola at Luis Manzano dahil sa vlog ng huli. Kamakailan lang ay pinag-usapan ng dalawa ang kanilang journey sa pangangampanya. Sa nasabing vlog ay naitanong din si Jessy ukol sa reaksyon niya sa desisyon ni Luis noon. Pag-amin ng aktres, hindi raw niya talagang gustong tumakbo si Luis sa pulitika noon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh