Video nila Sofia Andres at ng kanyang pamilya na nagkakamay sa public market, viral

Video nila Sofia Andres at ng kanyang pamilya na nagkakamay sa public market, viral

  • Si Sofia Andres, isang kilalang aktres, ay muling pinahanga ang mga netizens
  • Sa isang viral video niya, makikitang pumunta siya sa Valencia Public Market
  • Kasama lang naman ni Sofia si Daniel Miranda at ang kanilang anak na si Zoe
  • Marami naman ang humanga sa pagiging 'down-to-earth' ng couple at ni Zoe

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Sofia Andres, isang kilalang aktres sa Pilipinas, ay muling pinahanga ang kanyang mga followers matapos niyang ibahagi sa Instagram ang isang simple ngunit napaka-espesyal na sandali kasama ang kanyang pamilya habang sila ay nasa Valencia Public Market para kumain.

Video nila Sofia Andres at ng kanyang pamilya na nagkakamay sa public market, viral
Video nila Sofia Andres at ng kanyang pamilya na nagkakamay sa public market, viral (@iamsofiaandres)
Source: Instagram

Sa isang viral na video, makikitang kasama niya ang kanyang partner na si Daniel Miranda at ang kanilang anak na si Zoe Natalia, bagay na ikinatuwa ng maraming fans ng Kapamilya artist.

Sa video, makikitang hawak ni Sofia ang kanyang cellphone habang kinukuhanan ang kanilang bonding, at si Zoe naman ay masiglang bumati bago niya banggitin ang paggising niya ng maaga.

Masayang ibinahagi ni Sofia sa video, "We're gonna have dinner here in Valencia Public Market, we're gonna try the lechon," habang excited na naghihintay ng pagkain. At nang dumating na nga ang lechon, kitang-kita kung gaano ka-simple at totoo ang pamilya nina Sofia at Daniel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, maraming netizen ang naantig at pinuri ang dalawa sa pagiging grounded nila at pati na rin sa pagtuturo kay Zoe ng 'kamayan' na isang Filipino culture. Sa comments ng kanyang post, bumuhos ang mga positibong komento mula sa mga netizens na nakapanood ng video:

"Maka-proud kaayo ni nga family."
"I really love your simplicity, Ate Sofia."
"Ka-cute ninyo tulo uy. Lami kaayo ang lechon!"
"Ang tinuod na datu kay down to earth... love this family."
"Kudos to Sofia and Daniel for teaching Zoe yung nagkakamay, katuwa ba."

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Sofia Andres ay isang sikat na Filipina actress at model. Nagsimula siya sa lokal na industriya bilang isang commercial model sa murang edad. Ang kanyang unang malaking break ay bilang si Dindi Maghirang sa teleseryeng Princess and I noong 2012, kasunod ng mga pelikulang She's the One at She's Dating the Gangster, kung saan nakasama niya ang sikat na tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Simula noon, naging tanyag na siya sa mga iba't ibang proyekto tulad ng Forevermore, Pusong Ligaw, Bagani, at higit pa. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kinilala rin si Sofia bilang isang fashion at beauty influencer. Samantalang sa personal naman niyang buhay, si Sofia ay may anak na babae na si Zoe sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Sofia Andres ang isang taos-pusong pamamaalam sa ABS-CBN Tower, na tinawag niyang simbolo ng milyun-milyong pangarap. Inalala ng aktres ang panahon na isa pa lamang siyang batang nangangarap maging artista at kung paanong naging inspirasyon sa kanya ang ABS-CBN. Ayon kay Sofia, ang tower na ito ay isang kinikilalang simbolo sa pag-asa, ambisyon, at paniniwalang posible ang lahat para sa maraming Pilipino.

Samantalang inamin ni Sofia Andres na minsan ay bigla-bigla niyang ina-unfollow si Daniel Miranda sa social media tuwing nadadala siya ng emosyon. Ibinahagi niyang nais na niyang maging mas mature at ilayo ang kanilang mga isyu sa mata ng publiko upang maiwasan ang panghuhusga. In-acknowledge naman ni Daniel ang mga hindi nila pagkakaunawaan, ngunit pinayuhan niya rin si Sofia na iwasang mag-post kapag siya ay galit o nagiging emosyonal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco