Cristy Fermin, na-text si Dan Fernandez ukol sa isyu nito kay Ivana Alawi
- Nausisa ni Cristy fermin si Dan Fernandez kaugnay sa maugong na balita-balitang nagkaroon umano ito ng relasyon kay Ivana Alawi
- Isa sa kanyang Sumagot naman ang dating aktor at ngayo'y isang pulitiko ngunit hindi inaasahan ni Cristy ang tugon niyang ito
- Kamakailan, gumawa ng ingay ang umano'y mga magkahiwalay na larawan nina Ivana at Dan subalit magkapareho umano ng kinaroroonan ayon sa netizens
- Sa ngayon, wala pa ring pahayag ang aktres at influencer ukol dito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nausisa ni Cristy Fermin si Dan Fernandez kaugnay sa maugong na balita na nagkaroon umano siya ng relasyon sa aktres at influencer na si Ivana Alawi.

Source: Facebook
Isa ito sa mga maiinit na usapin na tinalakay sa kaniyang programang Showbiz Now Na! matapos mapansin ng mga netizens ang umano’y magkahiwalay na larawan nina Ivana at Dan na tila magkapareho ang kinaroroonan.
Bukod dito, naging maugong muli ang bali-balitang nagdalang tao umano si Ivana, ilang taon ang nakalipas at ang tinuturong ama ay ang dating kongresista.
"Na-text ko e, isa lang sagot... 'Nay, hahahaha,'" ani Cristy sa naging tugon umano sa kanya ni Dan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Ilang taon ba kayo naging magkarelasyon Cong? 'hahahaha'," ang parehong tugon sa kanya ng dating kongresista.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang mga larawang nagpapakita na tila magkasama ang dalawa, batay sa kanilang tila magkaparehong lokasyon, ayon sa mga netizens.
Sa ngayon, nananatiling tahimik si Ivana Alawi at wala pang inilalabas na pahayag kaugnay sa isyu.
Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Rommel Chika at Wendell Alvarez mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:
Si Danilo Ramon Subiaga “Dan” Fernandez ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas na matagumpay na nakapag-ambag sa dalawang mundo — bilang isang aktor at bilang isang politiko. Bago pumasok sa mundo ng politika, nakilala si Dan Fernandez bilang isang action star noong dekada ’90. Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ay Mara Clara: The Movie (1996), Cobra (1997), at Boy Tapang (1999). Naging bahagi rin siya ng sikat na teleserye na Mara Clara, kung saan gumanap siya bilang si “Kardo Davis.”
Noong Hulyo 1, nag-post si Dan Fernandez ng video sa Instagram na nagpapakita sa kanya na nagbibihis sa loob ng isang walk‑in closet. Ayon sa caption niya: “Sending out my resume,” matapos alo kanyang natalo sa Laguna gubernatorial elections nitong Mayo
Agad nag-viral ang video nang ma-obserbahan ng ilang netizens na tila kapareho ito ng closet ni Ivana Alawi mula sa kanyang mga Instagram mirror selfies noong 2023 — may parehong puti‑gray tiles, gold accents, at layout
Matatandaang tahasang nag-deny sina Ivana Alawi at Dan Fernandez na may romantikong relasyon. Sa isang panayam kay Ivana kasama si Boy Abunda noon, sinabi ni Ivana: “No. We’re friends… Ayoko ng babaero, kasi babaero siya.”
Dagdag pa, hindi naglabas ng opisyal na pahayag sina Dan o Ivana tungkol sa viral comparison posts sa kabila ng patuloy na pag-uungkat pa ng netizens sa kanilang mga post noon kung saan pilit na pinag-uugnay ang dalawa at sinasabing nagkasama nga ang mga ito noon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh