Video ni Mikee Quintos matapos ang kanyang medical procedure, pumalo ng 7.1M views
- -Si Mikee Quintos ay naghatid kamakailan lang ng good vibes sa social media
- -Sa TikTok, nag-post si Mikee ng video niya matapos ang isang medical procedure
- -Pagkagising mula sa anesthesia, mapapansing medyo lutang ang aktres sa video
- -Mula sa mga random na banat at tila 'gibberish' na salita, talagang marami ang natawa kay Mikee
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Mikee Quintos, isa sa mga kilalang Kapuso artist, ay muling naghatid ng saya sa kanyang mga tagahanga — at pati na rin sa buong internet — nang ibahagi niya ang nakakatawang video sa kanyang TikTok account matapos niyang sumailalim sa isang medical procedure nitong buwan.

Source: Instagram
Sa video na in-upload niya sa kanyang TikTok page na @mqquintos, makikitang bahagyang lutang at nagsasalita ng tila 'gibberish' si Mikee matapos ang kanyang colonoscopy, isang procedure para sa pagsusuri ng mga kondisyon gaya ng gastrointestinal disease, polyps, o cancer.
Sa caption ng kanyang post, isinulat niya ang: "Mom’s POV: Waking me up after colonoscopy."
Habang kakagising lamang sa anesthesia, medyo gulat at tuliro si Mikee. Maririnig siyang pabulong na nagsabi ng, "Like... fro-cedure? They do? No, no, no," habang kausap ang kanyang ina.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasunod nito, sunod-sunod na random na salita at mga banat na ang lumabas mula kay Mikee na lalo pang kinaaliwan ng mga netizens. "Guys, you should try this," aniya, bago pa biglang sabihing, "Mommy, may crush ako." Sa huli, tila naka-recover na siya at nagsabi pa nga ng, "Okay na ako."
Hindi nagtagal, umani agad ng mahigit 7.1 milyong views ang video sa TikTok pa lang, at bumaha na nga ang mga nakakatuwang komento mula sa mga netizen na talagang naaliw kay Mikee.
"Pero sino ba ang crush ha? Char!"
"Bakit siya cute, pero pag ako, ewan ko na lang ha."
"Nabuhay naman pala si Lira... sa mundo ng mga tao nga lang."
"Aba kung maka-try this akala mo food tasting lang HAHAHAHA."
"Nakaka-curious yung crush, sino po itey? Crush reveal na, dali!"
Muli na namang napatunayan ni Mikee na kahit nasa ilalim siya ng anesthesia, hindi nawawala ang kanyang natural na charm at sense of humor na labis na kinagiliwan ng marami online.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Mikee Quintos ay isang kilalang Filipina actress sa GMA-7. Lumabas siya sa spotlight bilang Sang'gre Lira sa telefantasya na Encantadia noong 2016 na naging malaking breakthrough sa kanyang karera sa showbiz. Bukod sa kanyang showbiz career, pinakita rin ni Mikee ang determinasyon sa pag-aaral at talagang matagal siyang kumapit sa kanyang ambisyon na magkaroon ng degree. Matapos ang halos isang dekadang pagsasabay sa pag-arte at pag-aaral, nagtapos siya ng Bachelor of Science sa Architecture mula sa University of Santo Tomas.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagtapos na si Mikee Quintos ng kursong Architecture sa University of Santo Tomas matapos ang 10 taon na pagsasabay ng pag-aaral at showbiz. Masaya niyang ibinahagi ang kanyang tagumpay sa Instagram, kung saan nag-post siya ng reel na suot ang toga, pati na rin ang mga larawan ng kanyang graduation sash at ng graduation list.
Samantalang noong April ngayong taon ay nagbigay-pugay si Mikee Quintos kay Nora Aunor sa ilang post niya sa social media. Unang ibinahagi ng Kapuso star ang isang larawan mula sa burol ng yumaong Superstar. Sa isa pa niyang post, ibinahagi ni Mikee ang isang collage na nagpapakita ng ilan sa kanilang mga sandali kasama ang isa sa mga icon ng pelikulang Pilipino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh