Sarah Lahbati, may tanong kay Ellen Adarna ukol sa post nito kay Baby Liana

Sarah Lahbati, may tanong kay Ellen Adarna ukol sa post nito kay Baby Liana

  • Si Sarah Lahbati ay muling nagpakita ng kanyang pagiging witty sa social media
  • Kamakailan ay nag-post si Ellen Adarna ng mga pictures at videos ni Baby Liana
  • Aniya pa nga ng celebrity mom, ang bilis na raw lumaki ng kanyang bunsong anak
  • Dahil naman sa ka-cute-an ni Baby Liana, talagang napa-comment si Sarah sa post

Si Sarah Lahbati ay muling nagpakita ng kanyang pagiging witty matapos mag-iwan ng funny comment sa isang Instagram post ng kaibigang si Ellen Adarna noong Wednesday, July 9.

Sarah Lahbati, may tanong kay Ellen Adarna ukol sa post nito kay Baby Liana
Photos: @sarahlahbati, @maria.elena.adarna on Instagram
Source: Instagram

Sa nasabing post, ibinahagi ni Ellen ang ilang larawan at video ni Baby Liana, ang anak nila ni Derek Ramsay, kung saan makikita ang iba't ibang cute at nakakatuwang ekspresyon ng bata.

Mula sa nakakaaliw na mga expressions hanggang sa cuteness nito, hindi napigilang mapa-gush ng mga netizen sa ganda ni Liana. Sa kanyang caption, sinabi ni Ellen: "She's growing up so fast."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pero hindi lang mga netizen ang natuwa — maging ang mga lokal na celebrity ay napa-komento rin. Isa na rito si Sarah na nagbiro at nagkomento ng: "Can I borrow her?" na sinundan pa ng kung anu-anong random emojis. Dahil dito, mas lalong nag-viral ang post ni Ellen sa nasabing app.

Makikita sa interaksyon ng dalawa ang kanilang matibay na pagkakaibigan at ang natural na sense of humor ni Sarah na ikinatuwa rin ng maraming netizen, lalo na ang kanyang mga fans.

Matatandaang ipinanganak si Baby Liana noong October 2024, ang unang anak nina Ellen at Derek bilang mag-asawa. Nakumpirma ang balitang ito sa pamamagitan ng isang heartfelt post ni Derek sa kanyang opisyal na Instagram account, kung saan ibinahagi niya ang masayang pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya na labis na ikinatuwa ng marami.

Swipe left para makita ang iba pang pictures at videos:

Sarah Lahbati, may tanong kay Ellen Adarna ukol sa post nito kay Baby Liana
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna
Source: Instagram

Si Sarah Lahbati ay isang Swiss-Filipino actress at model na unang nakilala sa Pilipinas matapos niyang manalo sa StarStruck V, kung saan siya ay itinanghal bilang 'Ultimate Female Survivor.' Ipinanganak siya sa Geneva, Switzerland, at may lahing Filipino at Moroccan. Matapos ang kanyang pagkapanalo, lumabas siya sa ilang mga teleserye at palabas sa GMA Network. Noong 2015, lumipat siya sa ABS-CBN sa ilalim ng Viva Artists Agency. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal si Sarah kay Richard Gutierrez noong 2020 at mayroon silang dalawang anak na lalaki: sina Zion at Kai. Gayunpaman, noong 2024, kinumpirma niya ang kanilang hiwalayan at kasalukuyan silang co-parenting para sa kanilang mga anak. Kamakailan lamang, bumalik siya sa showbiz sa pamamagitan ng teleseryeng Lumuhod Ka sa Lupa na ikinatuwa ng mga fans.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinaantig ni Sarah Lahbati ang puso ng mga netizen sa kanyang mga Instagram stories. Sa nasabing app, nagbahagi si Sarah ng matatamis ngunit nakakalungkot na mensahe para sa kaarawan ni Alexa Gutierrez. Mahalagang banggitin na si Alexa ay pumanaw noong 2024 matapos ang matagal na pakikipaglaban sa malubhang sakit na leukemia.

Samantalang noong Pebrero, nag-post si Sarah Lahbati ng mga litrato niya para sa Valentine's Day. Ang mga litrato ay kuha mula sa kanyang photoshoot kasama ang talentadong si Alexis Co. Ibinahagi ng aktres at celebrity mom ang mga kahanga-hangang larawan kalakip ng isang caption, na naging dahilan upang maraming netizen ang mag-react sa nasabing post ni Sarah.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco