Kim Chiu, nagpasalamat matapos ang flight experience: “By God’s grace”
- Ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang Instagram Story ang isang nakakakabang karanasan sa biyahe kung saan nagkaroon ng teknikal na aberya ang sinasakyan niyang eroplano kaya kinailangang bumalik sa Maynila matapos lamang ang ilang minutong paglipad
- Aminado ang aktres na kabado siya lalo na nang mapansin niyang pabalik-balik sa cockpit ang mga crew, ngunit sinubukan niyang huwag mag-panic at piniling matulog habang hinihintay ang paglipad
- Laking gulat niya nang magising at malaman na hindi pa pala sila nakaalis at lalong nadagdagan ang kanyang kaba nang ianunsyo ng piloto na kailangang bumalik ang eroplano dahil sa isyung teknikal
- Sa kabila ng takot, nagpasalamat si Kim dahil ligtas silang nakabalik sa lupa at ibinahagi niyang ang insidente ay muling nagpapaalala sa kanya kung gaano kahalaga at kasensitibo ang buhay ng tao
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ng Kapamilya actress-host na si Kim Chiu ang kanyang nakakakabang karanasan sa isang flight kamakailan. Sa kanyang Instagram story, ikinuwento niya ang mga nangyari sa kanilang biyahe na dapat ay lilipad nang 4:30 AM pero nag-take off bandang 5 AM. Ayon sa kanya, may naramdaman na siyang kaba habang nasa eroplano pa lamang dahil sa kakaibang kilos ng cabin crew na pabalik-balik sa cockpit. Hindi niya agad ipinakita ang kanyang takot, pero pinilit niyang matulog para makalimot.

Source: Instagram
Our flight was at 4:30am, and we finally took off around 5-ish. But just minutes after takeoff, the pilot announced we had to return to Manila due to a technical issue. Before that, the crew had been going in and out of the cockpit, which already had me low-key panicking. I tried to calm myself by sleeping it off, but when I woke up and we were still on theground... my thoughts went wild.
Pagkagising niya, laking gulat niya na nasa lupa pa rin sila, at di kalaunan ay inanunsyo ng piloto na kailangang bumalik ng Maynila dahil sa isang technical issue. Habang nasa ere, dasal lang daw ang kanyang pinanghawakan. “But by God’s grace, we landed safely back in Manila. It was a frightening experience but I’m grateful,” ani Kim. Dagdag pa niya, ang insidenteng ito ay nagpaalala sa kanya kung gaano kahalaga at kaselan ang buhay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa si Kim Chiu sa mga pinaka-aktibong artista sa showbiz ngayon. Simula noong tanghaling Big Winner sa Pinoy Big Brother: Teen Edition, hindi na nahinto ang kanyang career sa pag-arte, pagkanta, hosting, at endorsements. Madalas siyang bumiyahe dahil sa sunod-sunod na proyekto—mula sa mga live shows, tapings, pelikula, at iba pang commitments, hindi lang sa Maynila kundi pati sa mga probinsya at abroad.
Sa isang panayam, inamin ni Kim Chiu na naluha siya bago ang kanyang transformation para sa upcoming film na "Alibi". Ibinahagi ng aktres na napakalaki ng hamon ng kanyang role kaya naman emosyonal siyang naghanda para dito. Ayon kay Kim, isang malaking karangalan ang maging bahagi ng proyektong ito na kakaiba sa kanyang nakasanayang roles.
Sa isang social media post, pinuri ni Pokwang si Kim Chiu bilang isang magandang halimbawa sa industriya. Tinawag niya si Kim na “maganda, mabait, talented, humble,” at sinabing “mahal ko siya.” Makikita sa mensahe ang tunay na pagkakaibigan at respeto ng mga kasamahan ni Kim sa kanya sa showbiz.
Source: KAMI.com.gh