Katrina Halili sa pakikipagkita ni Katie kay Ivana Alawi: "Hindi po ganun kadali yun"
- Nag-open up kamakailan lang si Katrina Halili tungkol sa vlog ni Ivana Alawi
- Nito lamang ay nag-post kasi si Katrina ng isang Q&A vlog sa kanyang channel
- Dito ay natanong ang aktres tungkol sa kanyang anak na si Katie Lawrence
- Dahil dito ay ibinahagi ni Katrina kung paano niya hinanda si Katie bago ang vlog
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Katrina Halili, isang kilalang Kapuso actress, ay muling naging bukas sa kanyang personal na buhay matapos ibahagi ang ilang ganap niya kay Katie bago ang pagkikita nila ni Ivana Alawi.

Source: Youtube
Sa isang recently-posted na Q&A vlog sa kanyang YouTube channel, inilahad ni Katrina ang mga paghahandang niya bago pa man mangyari ang naturang tagpo kasama ang Kapamilya star.
Matatandaang naging laman ng balita ang pagkikita nina Ivana, Katrina, at Katie, kung saan pinakitaan ni Ivana ng kabaitan si Katie at isinama pa ito sa isang treat-out. Maraming netizens ang naantig sa tagpong ito, lalo na't makikita ang masayang aura ni Katie sa piling ni Ivana.
Gayunpaman, ibinahagi ni Katrina na hindi naging madali para sa kanya ang proseso bago at habang nangyayari ang pagkikita ng dalawa nitong taon. "Yung meeting with Tita Ivana po? Hindi po ganun kadali yun. Ang dami ko pong prayers na ginawa diyan," aniya Katrina sa fans.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon pa sa aktres, bago pa man ang mismong araw ng pagkikita, ilang ulit niyang kinausap si Katie para maipaliwanag ang sitwasyon at para rin mapaghandaan ng kanyang anak ang pakikisalamuha sa Kapamilya star. "Bago magkita, ang dami ko pong in-explain kay Katie, during, habang nung kasama ko po si Ivana and si Katie? Ang dami ko pong dasal, gusto ko pong sumigaw na, 'Wag kang bibitaw, wag kang bibitaw, Katie' ganyan," pagbabahagi ni Katrina.
Nilinaw ni Katrina na ang kanyang mga pag-aalala ay hindi dahil sa masama ang ugali ni Katie, kundi dahil alam niya bilang ina na may mga episodes ang anak na maaaring biglang lumitaw habang kasama si Ivana, "Hindi ko po sinasabing masama po siyang tao pero hindi ko rin po sinasabi na wala po siyang nagagawang mga hindi rin maganda. Meron din," paliwanag niya.
Sa kabila nito, labis ang pasasalamat ni Katrina sa naging maayos na daloy ng pagkikita at kung paanong naging maganda ang pakikitungo ni Katie kay Ivana."Sobrang thankful ko po that day kasi ang bait bait po niya. Lahat po ng naituro ko sa kanya, feeling ko, lumabas po," dagdag niya.
Ang kwentong ito ay isa lamang sa maraming beses na pinatunayan ni Katrina ang kanyang dedikasyon bilang isang ina kay Katie na patuloy na hinahangaan ng maraming netizens.
Watch the video below:
Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpaantig ng puso ng mga netizens si Katrina Halili dahil sa kanyang post. Sa Instagram, ipinakita ni Katrina ang mga litrato na kuha mula noong 2019. Makikita sa picture ang tila pagiging malungkot nila ng kanyang anak na si Katie noon. Ibinahagi naman ni Katrina ang kwento sa likod ng kanilang picture.
Samantalang nag-viral si Katrina Halili dahil sa kanyang sagot sa isang netizen. Kamakailan ay ipinost kasi ni Katrina ang reaksyon ng kanyang anak. Ito ay matapos niyang bisitahin si Katie sa paaralan nito, na tila nagpaiyak naman sa huli. Dahil dito ay may isang netizen na nag-iwan ng unsolicited comment kay Katrina tungkol sa pagiging ina niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh