Katrina Halili, naging emosyonal sa kanyang Q&A: "Ang tagal ko na kasing nagdadasal"

Katrina Halili, naging emosyonal sa kanyang Q&A: "Ang tagal ko na kasing nagdadasal"

  • Muling nagpakatotoo si Katrina Halili tungkol kay Katie sa isang Q&A vlog
  • Kamakailan lang ay nag-post si Katrina ng isang video sa kanyang channel
  • Sa nasabing vlog, nagbasa si Katrina ng ilang mga tanong mula sa mga fans
  • Karamihan dito ay mga tanong tungkol sa kanyang cute na anak na si Katie

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Katrina Halili ay muling nagpakatotoo sa kanyang pinakabagong Q&A vlog na in-upload niya sa kanyang YouTube channel. Sa naturang viral vlog, sinagot niya ang ilang tanong mula sa kanyang mga fans na karamihan ay may kinalaman sa kanyang anak na si Katie Lawrence.

Katrina Halili, naging emosyonal sa kanyang Q&A: "Ang tagal ko na kasing nagdadasal"
Photos: Katrina Halili on YouTube
Source: Youtube

Isa sa mga tanong na nagmula sa isang netizen ay, "Nasaktan ka na po ba niya? Curious lang po kasi po may nakita po ako, same condition po as Katie, like napalo ka po [ba]?" Sa pagsagot dito, hindi nagpaliguy-ligoy si Katrina at buong tapang na ibinahagi ang kanyang karanasan noon.

"Hindi lang po palo, meron pa po tayong sabunot, meron pa po tayong tadyak, at may shout sa tenga. Marami po akong pinagdaanan kay Katie," pagbabalik-tanaw ng aktres sa kanyang vlog.

Ikinuwento rin ni Katrina ang isa sa mga pagkakataong labis siyang nahirapan sa pagiging ina. Ayon sa kanya, dumating sa punto na kinailangan niyang lumayo muna at magtago sa loob ng kanilang bahay dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman matapos ang isang insidente kay Katie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Umalis po ako, pinakita ko sa kanya na na-hurt ako. Tumakbo ako sa taas, nagtago ako, tas kinakausap siya dito sa baba. Ewan ko pero nagtago po ako sa ilalim ng kama, or sa cabinet, tas umiiyak lang po ako dun kasi hindi ko po alam ang gagawin ko sa kanya, paano ba maging nanay? Ganun," aniya Katrina sa kanyang mga fans, na todo puri sa pagiging transparent niya.

Sa kalagitnaan ng vlog, naging emosyonal ang aktres nang mapag-usapan ang mga papuri ng mga netizen sa pagiging mommy niya. Hindi niya napigilang maiyak habang inaalala ang mga panahong punung-puno siya ng pagdududa sa sarili at sa kakayahan niya na maging nanay.

"Iyak ako ng iyak kasi sinasabi niyo na magaling akong mama. Hindi ako naiiyak dahil pinupuri niyo ako, umiiyak ako kasi dati dinadasal ko lang na pano ba mag-alaga? Pano ba 'to? Hindi ako marunong, naiinggit ako kung kani-kaninong mga nanay. Sobrang, 'Bakit siya ganito?' o 'bakit ako ganito?' tas sasabihin niyo yan. Ang tagal ko na kasing nagdadasal, simula pa nung bata si Katie," ani Katrina habang naluluha sa kanyang pagbabalik-tanaw tungkol kay Katie noon.

Hindi man madali ang pinagdaanan ni Katrina bilang isang magulang, marami ang humanga sa kanyang pagiging bukas, matatag, at mapagmahal na ina kay Katie na nagpapaantig sa marami.

Watch the video below:

Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpaantig ng puso ng mga netizens si Katrina Halili dahil sa kanyang post. Sa Instagram, ipinakita ni Katrina ang mga litrato na kuha mula noong 2019. Makikita sa picture ang tila pagiging malungkot nila ng kanyang anak na si Katie noon. Ibinahagi naman ni Katrina ang kwento sa likod ng kanilang picture.

Samantalang nag-viral si Katrina Halili dahil sa kanyang sagot sa isang netizen. Kamakailan ay ipinost kasi ni Katrina ang reaksyon ng kanyang anak. Ito ay matapos niyang bisitahin si Katie sa paaralan nito, na tila nagpaiyak naman sa huli. Dahil dito ay may isang netizen na nag-iwan ng unsolicited comment kay Katrina tungkol sa pagiging ina niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco