Kristel Fulgar, ipinasilip ang cozy apartment life nila ni Ha Su-hyuk sa Korea

Kristel Fulgar, ipinasilip ang cozy apartment life nila ni Ha Su-hyuk sa Korea

  • Ipinasilip ni Kristel Fulgar ang bawat sulok ng bagong apartment nila sa Korea sa kanyang vlog
  • Ibinahagi niya ang personal touch at sentimental value ng mga gamit sa kanilang living room
  • Pinakita rin niya ang work area, bedroom, walk-in closet at coffee corner ni Su-hyuk
  • Labis ang tuwa ni Kristel sa view mula sa apartment na aniya’y nakaka-inspire at nakakagaan ng pakiramdam

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Masayang ibinahagi ng content creator at aktres na si Kristel Fulgar ang bago nilang tahanan sa South Korea sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong YouTube vlog. Kasama ang kanyang Korean husband na si Ha Su-hyuk, masayang inilibot ni Kristel ang kanyang mga followers sa bawat sulok ng kanilang cozy at personalized apartment. Mula sa guest room hanggang sa kanilang scenic view, ramdam sa vlog ang pagmamahal at effort nilang mag-asawa sa pagbuo ng isang tahanan.

Kristel Fulgar, ipinasilip ang cozy apartment life nila ni Ha Su-hyuk sa Korea
Kristel Fulgar, ipinasilip ang cozy apartment life nila ni Ha Su-hyuk sa Korea (📷KrisTells Vlogs/YouTube)
Source: Youtube

Isa sa mga unang bahagi ng bahay na ipinakita ni Kristel ay ang guest room, kung saan tumutuloy ang kanyang ina kapag bumibisita. Sinundan ito ng kanilang work area, na may kahalintulad na ayos sa dati niyang workspace sa Pilipinas. “Dito ako madalaas mag-vlog ng skincare routine ko... Ganitong-ganito 'yung table ko sa Pilipinas,” ani Kristel, sabay sabing ito rin ang lugar kung saan nagtatrabaho si Su-hyuk.

Pinakakinagiliwan ni Kristel ang kanilang living room, na puno ng alaala at gamit na may sentimental value. Nandoon ang kanilang wedding photo, promise ring, unang love letter ni Su-hyuk, mga souvenir mula sa Italy, at isang birthday gift ni Kristel para sa kanyang mister. “Dito ako nag-wo-work, dito ako kumakain, I do everything here,” saad pa ni Kristel habang nakaupo sa kanilang comfy na sofa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanilang bedroom, proud niyang ipinakita ang bagong kama na aniya'y sobrang kumportable. Nandoon din ang isang glass shelf kung saan nakadisplay ang kanyang bag collection. “Kapag hindi ganito 'yung lalagyanan niya, nakakalimutan ko na may ganun ako so dapat nakikita ko siya lagi,” kwento pa niya.

Hindi rin pinalampas ni Kristel ang walk-in closet nila na puno ng damit at alahas, pati na rin ang coffee corner ni Su-hyuk sa dining area. May mini-TV pa silang naka-set up sa kitchen para sa habang nagkakape o nagluluto.

Bilang pagtatapos, ipinakita ni Kristel ang tanawin mula sa kanilang apartment, na aniya’y nagbibigay ng inspirasyon at saya sa araw-araw. “Actually hindi ako sanay na tumira sa apartment kaya super na-appreciate ko siya ngayon… I love this apartment,” wika niya.

Si Kristel Fulgar ay dating child actress at singer na mas kilala ngayon bilang isang vlogger at content creator. Sa nakalipas na taon, mas naging bukas siya sa kanyang personal na buhay, kabilang na ang relasyon at pagpapakasal sa South Korean businessman at entertainment lawyer na si Ha Su-hyuk. Mula sa pagbibida sa teleserye, ngayon ay mas aktibo siya sa paggawa ng digital content—lalo na tungkol sa skincare, travel, at married life.

Kamangha-mangha ang naging kasal ni Kristel Fulgar at Ha Su-hyuk na ginanap sa South Korea. Sa viral video, makikitang napakaganda ni Kristel habang naglalakad sa aisle suot ang isang eleganteng gown. Marami ang humanga hindi lamang sa ayos ng kasal kundi pati na rin sa chemistry nilang mag-asawa. Komento ng netizens, parang K-Drama ang vibes ng buong eksena.

Sa isang panayam, diretsahang inamin ni Kristel na handa na silang magbuo ng pamilya ni Ha Su-hyuk. Ayon sa aktres, mas gusto nilang gamitin ang oras sa mga mahahalagang bagay gaya ng future plans at pagkakaroon ng anak. Binigyang-diin niya na hindi na sila bumabata at gusto nilang i-prioritize ang pagiging magulang sa lalong madaling panahon. Tinanggap ng fans ang kanyang honesty at supportive sa kanilang bagong yugto bilang mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate