Melai Cantiveros sa ginawa ni Robi Domingo sa kanya sa pool: "Pisti ka talaga"
- Si Melai Cantiveros ay muling nagpasaya ng mga netizens sa social media
- Kamakailan ay nag-post si Bianca Gonzalez ng picture ng kanilang tradition sa 'PBB'
- Ngunit may napansin ang iba sa mga pictures na ipinost ni Bianca sa Instagram niya
- Sa nasabing picture, makikita kasi ang interaction nina Melai at Robi Domingo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Melai Cantiveros, isang kilalang aktres at TV host, ay muling nagpasaya ng mga netizens matapos ang kanyang nakakatawang komento tungkol kay Robi Domingo at sa naging 'sabotage' umano nito sa kanyang bagong rebond na buhok na kanyang labis na pinagkakaingatan.

Source: Instagram
Tuesday, July 8, nang mag-post si Bianca Gonzalez sa Instagram ng ilang litrato kasama ang mga housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition at ilan sa mga hosts ng programa.
Ayon kay Bianca, bahagi ito ng kanilang taunang tradisyon matapos ang bawat season sa PBB. "A post-season PBB tradition!!!! Spot your faves," aniya pa nga ng isa sa mga 'OG' hosts ng programa.
Ngunit ang talagang nagpatawa sa mga netizens ay ang eksenang kuha sa larawan kung saan makikita si Melai na tila gustong-gusto nang umahon mula sa pool habang si Robi ay nakayakap pa sa kanya at tila tumatawa dahil dito, bagay na tila napansin ng ilang mga netizens online.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa comment section, inamin na ni Melai kung bakit gustong-gusto niyang lumabas ng tubig — dahil ito ay bagong rebond ang kanyang buhok. "Pistiiii ka talaga @iamrobidomingo, bagong rebond akooooo, sabuyan kita ng confetti ba," pabirong komento ni Melai, na agad namang umani ng maraming tawa at reaksyon mula sa mga netizens na naaliw sa closeness ng dalawang hosts.
Alam ng karamihan na kapag bagong rebond ang buhok, hindi ito maaaring mabasa agad dahil sa chemical process na kailangang mag-set muna. Kaya naman maraming netizens ang naka-relate sa tila 'hair emergency' ni Melai at lalo pang natawa sa kakulitan nila ni Robi sa nasabing host.
Sa huli, naging instant comic relief ang kanilang kulitan sa social media — patunay ng natural na chemistry ng mga hosts ng PBB na hindi lang para sa TV, kundi pati na rin sa totoong buhay.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Source: Instagram

Source: Instagram
Si Melai Cantiveros ay isang sikat na Filipina actress, TV host, at comedian. Sumikat siya noong 2009 matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Double Up. Ang kanyang nakakaaliw na personalidad, kakayahang magpatawa, at natural na karisma ang dahilan kung bakit siya naging paborito ng mga manonood habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pagkatapos niyang manalo, pumasok si Melai sa showbiz kung saan siya naging matagumpay bilang komedyante at TV host. Sa kanyang personal naman na buhay ay pinakasalan niya si Jason Francisco. Kilala silang mag-asawa bilang 'MelaSon' sa mundo ng lokal na showbiz at sila ay may dalawang anak na babae.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling naging usap-usapan si Melai Cantiveros dahil sa kanyang Instagram post. Kamakailan lang ay may nilinaw kasi na "rumored" post ang aktres sa kanyang page. May nag-post kasi ng "rumor" na buntis si Melai at aalis na ang mister niya sa showbiz. Agad naman itong in-address ni Melai.
Samantalang nagdala ng tawa online si Melai Cantiveros sa kanyang nakakaaliw na video sa Instagram. Ibinahagi kasi ni Melai ang nakakatuwang bersyon nila ni Jason Francisco ng kantang 'Palagi.' Sa kanyang caption, bahagya pang humingi ng paumanhin si Melai kina TJ Monterde at KZ Tandingan. Ang lalong nagpatawa pa nga sa mga netizen ay ang witty na reaksyon ni TJ sa cover ng MelaSon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh