Pokwang sa mga 'fans' umano ni Fyang: "Pati si Malia, wish nila ng di maganda"

Pokwang sa mga 'fans' umano ni Fyang: "Pati si Malia, wish nila ng di maganda"

  • Si Pokwang ay tila nag-viral sa social media dahil sa kanyang mga recent post
  • Kamakailan ay sinagot ni Mamang Pokie ang ilang posts ng netizens sa X
  • Patungkol ito kay Fyang Smith na pinayuhan niya nito lamang na maging humble
  • Dahil sa diskusyon ay may ibinunyag si Mamang tungkol sa ibang fans umano ni Fyang

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Pokwang, isang kilalang aktres at komedyante, ay naging sentro ng usap-usapan online matapos niyang sagutin ang ilang netizens sa X (dating Twitter) tungkol kay Fyang Smith.

Pokwang sa mga 'fans' umano ni Fyang: "Pati si Malia, wish nila ng di maganda"
Photos: @itspokwang27, @_iamsofiasmith on Instagram
Source: Instagram

Nagsimula ang lahat nang mag-react si Pokwang sa isang viral video clip kung saan sinabi ni Fyang na "best batch" daw ang kanilang batch sa Pinoy Big Brother. Sa comment section ng nasabing viral video, simpleng paalala lang ang iniwan ni Pokwang tungkol sa pagiging humble.

Kasunod nito, isang netizen sa X ang nagpahayag ng opinyon at sinabihan ang iba na huwag nang mag-reply kay Pokwang, "Fam, huwag na tayong mag-reply sa kung anuman ang i-post ni Ms. @pokwang27. Maliit ang mundo, magtatagpo rin sila at magkakakilala. Hindi man niya nabigyan ng pagkakataon na kilalanin muna si Fyang, hayaan lang natin ang pagkakataon."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napansin naman ito ni Pokwang, "Yes, kagaya nang makatrabaho ko sila Nadine, Liza Soberano, Sandara Park, Kim Chiu, Melai, di ko malilimutan yun. Kasama sila Marian Rivera, Vilma Santos, Eddie Garcia, Tatay Dolphy, Gloria Romero. May chance, sabi niyo nga maliit ang mundo, tama. Buti na lang, bago ako nalaos, nakatrabaho ko lahat ng malalaking names sa industriya. John Lloyd, Aga, Claudine B, Bossing Vic pa at Juday. Sarap malaos kapag ganyan mga naka-work mo."

Dahil dito, may isang netizen ang nagtanong, "Sino ba si Fyang?" na agad namang sinagot ni Pokwang: "Siya yung may mga fans na nagmamahal ng sobra to the point pati si Malia, na anak ko, wish nila ng di maganda! Na-screenshot ko na para kasuhan," aniya Mamang Pokie sa app.

Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong February ay pumunta si Pokwang sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magsampa ng reklamo laban sa isang scammer. Ayon sa Kapuso, ginagamit umano ang kanyang address sa Antipolo at ang naka-pin na lokasyon nito bilang isang staycation resort upang manloko ng mga tao. Mula pa noong December ang isyu na ito.

Samantalang noong 2024 ay na-interview si Pokwang nina Tuesday Vargas at Buboy Villar. Kamakailan, naging panauhin si 'Mamang' Pokie sa kanilang programa na Your Honor ng YouLOL. Sa naturang guesting, tinanong ni Tuesday si Pokwang kung sino ang nagpapa-stress sa kanya. Diretsahan namang sinagot ng aktres ang tanong, na siyang nagpatawa sa mga hosts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: