Katrina Halili sa picture niya nung 2019 kung saan siya ay umiiyak: "Minsan nag-aaway kami ni Katie"

Katrina Halili sa picture niya nung 2019 kung saan siya ay umiiyak: "Minsan nag-aaway kami ni Katie"

  • Si Katrina Halili ay muling nagpaantig ng puso ng mga netizens dahil sa kanyang post
  • Sa isang Instagram post, ipinakita ni Katrina ang dalawang litrato na kuha mula noong 2019
  • Makikita sa picture ang tila pagiging malungkot nila ng kanyang anak na si Katie noon
  • Ibinahagi naman ni Katrina ang kwento sa likod ng kanilang picture na kuha noong 2019 pa

Si Katrina Halili, isang kilalang aktres sa Pilipinas, ay muling nagpaantig ng puso ng netizens matapos niyang ibahagi ang tapat at emosyonal na kwento tungkol sa kanyang pagiging mommy.

Katrina Halili sa picture niya nung 2019 kung saan siya ay umiiyak: "Minsan nag-aaway kami ni Katie"
Photos: @niceprintphoto, @katrina_halili on Instagram
Source: Instagram

Sa isang Instagram post nitong Monday, July 7, ipinakita ni Katrina ang dalawang litrato noong 2019 kasama ang anak niyang si Katie. "Post ko pala 'to last 2019. 6 years ago, anak, ang bilis mo naman lumaki," panimulang sulat ni Katrina sa caption ng kanyang viral post sa nasabing app.

Sa unang larawan, makikitang malungkot si Katie habang may punit sa bahagi ng kanyang damit. Sa kasunod na larawan, si Katrina naman ang makikitang malungkot at umiiyak.

"Hahahahaha... sorry, natatawa lang ako sa itsura namin dalawa dito, syempre hindi laging sweet kami, minsan nag-aaway kami ni Katiemylabs," pagbabahagi ng aktres sa kanyang followers.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinuwento niya ang naging dahilan ng mga larawan — pinunit umano ni Katie ang kanyang damit, kaya't umakyat si Katrina sa taas ng bahay at doon na lamang umiyak. "Ayan, winasak niya yung damit niya, tapos ako umiiyak sa taas, kasi ayoko na siya saktan, naiyak na lang ako sa taas, kinunan ko yun sarili ko. Maya maya, umakyat na siya [at] nagso-sorry," dagdag pa niya.

Sa huli, nang humingi ng tawad si Katie, agad siyang pinatawad ng ina, dala ng pagmamahal at pag-unawa. "May magagawa ka ba pag nag-sorry na siya? Kakainis... sobrang cute kasi... hay anak... ikaw na, I love you," aniya Katrina sa caption ng kanyang viral post sa photo-sharing app.

Ang kwento ay lalong naging makahulugan sa kaalaman na si Katie ay may mild autism spectrum disorder (ASD). Maraming netizens ang naantig sa tapat na salaysay ni Katrina, na muling nagpakita ng totoong mukha ng pagiging isang ina na punong-puno ng sakripisyo.

Swipe left para makita ang iba pang picture:

Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Katrina Halili dahil sa kanyang sagot sa isang netizen. Kamakailan ay ipinost kasi ni Katrina ang reaksyon ng kanyang anak. Ito ay matapos niyang bisitahin si Katie sa paaralan nito, na tila nagpaiyak naman sa huli. Dahil dito ay may isang netizen na nag-iwan ng unsolicited comment kay Katrina tungkol sa pagiging ina niya.

Samantalang noong 2024 umani ng atensyon sa social media si Katrina Halili. Sa isang post, nag-upload si Katrina ng video kung saan tinuturuan niya ang kanyang anak ng ilang dance moves. Subalit sa viral na video, mapapansing tila naiiyak si Katie habang nasa entablado. Dahil dito, naaliw ang ilang netizen at nag-iwan pa rin ng positibong komento para kay Katie at Katrina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: