Influencer na si Agassi Ching, sumailalim sa isang 'urgent operation'; Celebrities, nag-react

Influencer na si Agassi Ching, sumailalim sa isang 'urgent operation'; Celebrities, nag-react

  • Si Agassi Ching, isang influencer-actor, ay nagdulot ng pag-aalala sa social media
  • Noong Sunday, July 6, ibinahagi ni Agassi na na-admit siya sa ospital nito lamang
  • Aniya Agassi, magpapa-check up lamang siya dahil sa pamimilipit niya sa sakit
  • Ngunit nauwi sa pagka-admit sa ospital ang pagpapa-check up niya sa doktor

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Agassi Ching, isang influencer at actor, ay nagdulot ng pag-aalala at suporta mula sa netizens matapos niyang ibahagi na siya ay in-admit sa ospital para sa isang agarang operasyon.

Influencer na si Agassi Ching, sumailalim sa isang 'urgent operation'; Celebrities, nag-react
Photos: @agassiching, @aikomelendez, @paulandre.salas on Instagram
Source: Instagram

Noong Sunday, July 6, nag-post si Agassi sa kanyang Instagram ng mga litrato habang nasa ospital, kabilang ang isang kuha sa chapel ng gusali, na tila nagpapakita ng kanyang pananalig sa Diyos sa gitna ng pagsubok. Bagay na ikinatuwa ng iba niyang followers sa nasabing app.

Sa caption ng kanyang post, sinimulan niya ito sa isang makahulugang quote tungkol sa inaakala ng iba na mahirap: "If your path is difficult, it is because your purpose is bigger than you thought."

Matapos ay ikinuwento rin ni Agassi na nagpa-check up lang siya nung una dahil sa matinding pananakit ng katawan. Ngunit laking gulat niya nang sabihin na kailangan na agad siyang operahan. "Kagabi, nagpa-check up ako kasi namimilipit ako sa sakit, and today nalaman ko na urgent operation na kailangan. Mahirap siya pero alam kong may purpose 'to. Asking for your prayers lang guys, love you all," ani Agassi na ikinabahal ng iba niyang mga fans at supporters.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa dulo ng kanyang mensahe, tiniyak niya sa kanyang mga tagasuporta ang kanyang positibong pananaw sa gitna ng pagka-admit: "PS. Will be back stronger and more determined than ever."

Umani naman ng mga mensahe ng pagmamahal at dasal ang aktor mula sa kanyang followers.

Ilan pa nga sa mga celebrity friends din ni Agassi ang nagpaabot ng suporta sa kanya sa gitna ng pagsubok niya na ito. Si Aiko Melendez ay nagkomento ng, "Get well soon, Aga. Jesus will heal you," habang si Paul Salas naman ay nag-iwan ng ilang mga prayer emojis bilang pakikiramay.

Sa kabila ng pagsubok, kitang-kita ang matatag na pananampalataya ni Agassi at ang inspirasyong hatid nito sa marami na sa kabila ng pagsubok ay kailangan lang maging matibay.

swipe left para makita ang iba pang pictures:

Influencer na si Agassi Ching, sumailalim sa isang 'urgent operation'; Celebrities, nag-react
Screenshot mula sa Instagram ni @agassiching
Source: Instagram

Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.

Sa nakaraang report ng KAMI ay naging usap-usapan si Cesca Litton dahil sa kanyang update. Kamakailan lang ay nag-post ang TV personality tungkol sa kanyang cancer. Ani Cesca sa mga fans niya, "After 6 cycles of chemotherapy, later is now." Gayunpaman, nilinaw ni Cesca na hindi pa tapos ang kanyang pakikipaglaban.

Samantalang si Ciara Magallanes, isang kilalang momfluencer, ay isinugod kamakailan sa ER. Aniya Ciara, siya raw ay talagang naiyak dahil sa insidente. Pag-amin pa nga niya, naiyak siya dahil naisip niya ang kanyang mga anak. Dahil dito, inulan ng suporta ang post ni Ciara mula sa mga netizens at pati na rin celebrities.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco