Pokwang, pinuri si Kim Chiu: “Maganda, mabait, talented, humble… mahal ko siya”

Pokwang, pinuri si Kim Chiu: “Maganda, mabait, talented, humble… mahal ko siya”

  • Pinuri ni Pokwang si Kim Chiu sa isang post sa X, na sinabayan pa ng matamis na pahayag ng paghanga at pagmamahal
  • Kalakip ng kanyang tweet ay ang post ni Kim na tila ikinatuwa ng komedyante
  • Sumagot rin si Pokwang sa isang X user na may komento tungkol sa umano’y isyu kay Fyang at sa pagkakataong magkakakilala rin ang mga artista
  • Binalikan ni Pokwang ang kanyang karera at ipinagmalaki ang mga malalaking pangalan sa showbiz na kanyang nakatrabaho

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mainit na suporta at pagmamahal ang ipinakita ni Pokwang kay Kim Chiu sa isang viral post kamakailan sa X (dating Twitter). Isa-isang binanggit ng komedyante ang mga katangiang hinahangaan niya sa aktres—mula sa ganda hanggang sa kababaang-loob.

Pokwang, pinuri si Kim Chiu: “Maganda, mabait, talented, humble… mahal ko siya”
Pokwang, pinuri si Kim Chiu: “Maganda, mabait, talented, humble… mahal ko siya” (📷Marietta Subong/Facebook, @chinitaprincess/IG)
Source: Instagram

“Maganda, mabait, talented, humble at higit sa lahat mahal ko sya ❤️ more power sayo nak @prinsesachinita,” ani Pokwang sa kanyang tweet, kalakip ang post ni Kim.

Umani ito ng papuri mula sa mga fans at netizens, at marami ang natuwang makita ang pagbibigay-suporta ng isang beteranang komedyante sa mas batang henerasyon ng artista. Ngunit sa likod ng positibong mensahe ay may isang X user na nagpayo sa mga fans na huwag nang patulan ang mga posibleng intriga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Fam, huwag na tayong mag-reply sa kung anuman ang ipost ni Ms. @pokwang27. Maliit ang mundo magtatagpo din sila at magkakakilala. Hindi man nya nabigyan ng pagkakataon na kilalanin muna si Fyang hayaan lang natin ang pagkakataon,” sabi ng netizen.

Hindi nagpahuli si Pokwang at sumagot sa komento ng may positibong tono. Binalikan niya ang kanyang karera at inalala ang ilan sa mga pinakasikat na artista na nakasama niya sa trabaho.

“Yes kagaya ng makatrabaho ko sila Nadine, Liza Soberano, Sandara Park, Kim Chu, Melai di ko malilimutan yon kasama sila Marian Rivera, Vilma Santos, Eddie Garcia, Tatay Dolphy, Gloria Romero. may chance sabi nyo nga maliit ang mundo, tama… buti nalang bago ako nalaos nakatrabaho ko lahat ng malalaking names sa industria, wait john lloyd, Aga, claudine B. bossing Vic pa at Juday, sarap malaos kapag ganyan mga naka work mo❤️,” tugon ni Pokwang.

Si Pokwang ay isang kilalang aktres, komedyante, at TV host na nakilala sa kanyang husay sa pagpapatawa at pagiging totoo sa sarili—on-cam man o off-cam. Sa kabila ng ilang isyu sa social media, nananatili siyang vocal sa pagpapahayag ng kanyang saloobin, lalo na kapag may kaugnayan sa kapwa niya artista.

Si Kim Chiu naman ay tinaguriang “Chinita Princess” at isa sa pinakamatagumpay na produkto ng reality TV show na Pinoy Big Brother. Kilala siya sa kanyang pagiging masayahin, hardworking, at open sa kanyang emosyon sa harap ng camera.

Bago ang kanyang bold makeover para sa pelikulang “Alibi,” hindi napigilang maiyak ni Kim Chiu habang pinagmamasdan ang sarili. Ayon sa aktres, maraming emosyon ang sumabay sa pagbabago ng kanyang look para sa challenging na role. Ipinakita dito ang dedikasyon ni Kim bilang aktres na handang sumugal para sa kanyang craft.

Ibinahagi ni Kim ang kanyang suporta para kay Angelica Panganiban sa una nitong pagsabak sa teatro. Ayon kay Kim, tila hindi raw angkop ang oras dahil parehong may hectic schedules, pero ginawa niya pa ring dumalo bilang pakikiisa sa kanyang kaibigan. Ipinapakita nito ang malalim na samahan ng dalawa kahit abala sa kani-kanilang proyekto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate